Archive | Nursing RSS feed for this section

Out of School na ang Sayote

23 Nov

Nalampasan ko na ang buhay estudyante (temporarily lang pala… kasi pag nursing, kelangang may continued education). Ngayon, buhay trabaho naman na ang dapat atupagin. Mahirap pala ang maging out-of-school (ibig sabihin tapos na mag-aral). Dahil wala ng allowance. Ni dyis sentimos wala. Hindi na ako binibigyan ng Nanay ko. Sabi niya, wala ka namang skul ah! Dami niya excuse. May pang ukay ukay naman siya.

Siyempre, bago muna yan, may board exams pa. Wala ang puso ko sa exam na to. Dahil unang una, gusto ko sa June talaga ako mag-eexam. Pero ngayon, inaapura naman ako ng Tatay kong mag-board. Mabuti na lang mabuti akong anak kaya sunod lang ng sunod. Naks. Hindi nga ako masyado nagre-review eh. Parang wala lang sa akin. Mahirap pala pag wala ang puso mo sa isang bagay at hindi mo talaga gusto. Mahirap. Kalaban mo sarili mo sa gagawin mo.

Pero, no choice di ba. Kelangan kahit kaunti mag-aral. Sesemplang man ako sa board exam, sarili ko rin sisishin ko.

Balik tayo sa walang allowance. Ni pang fishball wala akong pambili. Eh kasi naman ang Nanay ko ayaw talaga akong bigyan. Pero may pambili siya ng sapatos at mga damit niya. Ako, fishball lang ayaw pa huhuhu.

Mahirap talaga pag walang allowance. Kung hindi lang sana ako magbo-board, matagal na akong naghanap ng work ko. Sana pag darating ang panahon, madali lang ako makuha. Kung hindi. No fishballs. For life.

Nagpabili din ako ng cassava cake kanina kay Nanay. Trenta pesos yun. Sabi ba naman niya, bayaran mo ha! Ngeks! Kaya ngayon, abala akong naghahanap ng mga 25 cents, piso, limang piso sa ilalim ng sofa, sa mga under the bed… Para lang may pang tustos sa sarili ko hehehe.

Ilokano si Nanay eh. Sabi nila kuripot daw. Naririnig ko lang yan. Hindi ako ang nag-sabi.

Gusto ng magulang ko sa US of A ako magtratrabaho. Sa totoo lang, parang ayaw ko pang umalis sa Pinas. (SQ kumakanta: Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino! Taas Noo kahit kanino!…) Wala lang. Nasubukan ko na kasing tumira sa ibang bansa. Mas maganda pa rin dito sa Pinas. Kahit na medyo magulo dito, Pinoy pa rin ang gusto kong mapangasawa. Ngak! Pano pumunta sa usapang yan. Ibig kong sabihin, Philippines is still the best for me!

Andami dami pang exam na dapat i-take! Kainis! Pero ganyan lang talaga. Wala akong magagawa. Hindi naman pwedeng dito lang ako sa bahay taga-luto, taga-hugas ng kotse, gardener, janitor, taga tiklop ng damit… Kaya dapat pagkatapos ng board, pumasa man o hindi, paghahanap ng trabaho ang aasikasuhin ko.

***

Mga peeps, salamat sa mga komento. Thank you at winelcome niyo ako sa mundo ng overworked and underpaid workers! hehehe. Miss ko na kayo ah! (BIG SAYOTE HUGS!)

Advertisements

Wish List ng Student Nurse

20 Jul

Walang mali sa paghangad ng magandang buhay. Pag may paraan para makamit yun, bakit hindi natin gawin? Wala ring mali pag nangangarap tayo… Kahit na suntok sa buwan na… Libre naman…

Bilang mga student nurse, madalas naming pag-usapan kung ano ang mga plano namin pagkatapos ng graduation (O Diyos ko! Pagraduate-in niyo po ako). At karamihan sa mga babae kong kaibigan ay sumasagot na magpapa-bello daw sila. Magpapatangos daw sila ng ilong at magpapa-laki ng boobs. Kasi pag naka-trabaho na daw sila sa Amerika, sigurado daw eh marami na silang pera.

Sa mga lalaki naman, marami ang nagsabi na ang una daw nilang bibilhin sa unang sweldo nila pag nasa Amerika na daw sila ay isang magarang kotse.

Kung ako tatanungin, basta gusto ko muna grumaduate. Pangalawa, makapasa muna sa mga exam na dapat kunin. Siguro ang pinaka “goal” ko na lang ngayon sa buhay eh makapag-ipon. Ang boring noh. Pero yun talaga…

Siguro kung may extra man akong pera, magpapa-bello din ako. Siguro hanggang liposuction lang ako para mabawasan ang aking bilbil. Pati tummy tuck ok din yun. Pero parang di ko maimagine ako sarili kong nagpapa-boob job… Pati yung pagpapatangos ng ilong. Kahit pango ako, parang hindi ko kayang ipagalaw ito sa iba. Kumbaga trademark ko na ito.

Hindi ko alam kung bakit napaka negative ang nararamdaman ko tuwing pinag-uusapan ang boob job… paglagay ng silicone sa suso ng babae. Wala akong karapatang pigilan ang mga babaeng nagpapaganito pero ang sa akin lang, natatakot ako. Parang feeling ko, hindi na ako magiging natural.

Naiimagine ko kasi mismo yung surgical procedure na gagawin sa akin… Feeling ko mawawarak ang kaluluwa ng suso ko pag ganun. Alam kong bibigat ito at parang hindi ko macarry. Siguro, marami lang akong misconceptions sa procedure and I do not understand kung ano nga ba talaga ang magiging epekto nito sa aking katawan. Marami na kasi akong nabalitaan tungkol sa mga boob-job-gone-wrong scenarios.

So back to my wish list. Oo gusto ko rin sana ng kotse. Yung isang Mustang or JEEP lang naman ang pinapangarap ko. Pero kung magiging praktikal ako, ok na kahit ano basta umaandar. Kung mangangarap na rin lang ako, gusto ko mabibilhan ko ang tatay ko ng isang kotse. At ako, gusto ko ng kotse. At isa naman isang SUV. Solve na ako dun.

Gusto ko ring makapag-ipon ng marami para magtatayo ako ng Jollibee malapit sa bahay namin. Hehehe. O basta, kahit anong fast food chain…Mc Do, Chowking… At lahat ng mga nagco-comment sa post ko eh may free food sila dun hehehe.

Kantsawan niyo na ako sa susunod kong sasabihin, pero ito, gusto ko ng gawin magmula nung bata pa ako. Gusto ko sana makadonate ng medyo malaking halaga sa isang charity. More than 5 pesos. Hindi joke lang. Kumbaga more than 1000 pesos ha. (Inemphasize ang pesos eh) Dahil masarap talaga ang makatulong sa kapwa. Totoo yan. Ang pagtulong sa kapwa at ang feeling mo pag-nagawa mo ito… Iba ang feeling. Parang pinuno ng gasolina ang puso… Yan na siguro ang pinaka gusto ko sa kurso ko na nagawa kong mahalin kahit na engineering talaga ang sigaw ng puso ko (hanep ba sa words)…

Marami pa akong wishes pero akin na lang yung iba… Tutal, ang mga andito eh parang suntok sa buwan na lang… Yan na lang ang ishe-share ko 🙂