Archive | Buhay Parang Life RSS feed for this section

Kelan Ikakasal si Sayote Queen

26 Nov

Kaninang kumuha ako ng meryenda sa kusina (meryenda na naman?), pinapanood ng kasambahay namin yung isang pelikula ni Sharon Cuneta at ang leading man niya dun eh si Ariel Rivera. Hindi ko alam kung anong title nun pero ang napanood kong scene eh yung ikakasal na yata sila. Biglang tinanong ako ng kasambay namin (si Ate Mary) kung kelan daw ako ikakasal. Muntik ng lumabas yung spanish bread sa ilong ko sa gulat.

Unang-una, hindi ko muna gustong ikasal sa kadahilanang (naks lalim) inosente at mura pa ang isipan ko. Pangalawa, nagsisinungaling ako tungkol sa una. Teka, teka, seryoso muna. Unang-una, takot ako. Pangalawa, hindi ako ready.

Takot ako dahil andami kong kakilalang nag-fail ang marriages nila. Ayaw kong mangyari yun. Oo, face your fears pero, pag kasal ang pag-uusapan, parang ang hirap para sa akin. Takot din ako kasi andami kong kakilalang either NAloko ng asawa nila o NANloko ng asawa. Wala akong pinapatamaan dito okay. Basta yun lang ang dahilan ko.

Mahirap nga namang ikasal. Biruin mo, makakasama mo siya habang buhay! Pag tulog mo sa gabi, siya huli mo makikita… Pag gising mo, siya una mo makikita. Lagi mo na siyang maaamoy. At since nasa isang bahay na kayo, maririnig at maaamoy mo na ang utot niya na dati hindi niya ginagawa nung magsyota pa kayo. Malalaman mo din kung maingay siyang tumae (kung may tumutunog na PLOK! kung nasa banyo siya) At saka kung kelan niya trip mangulangot o ano pa… Marami kang malalaman sa kanya dahil ngayon, magsasama na kayo.

Pero, andami rin namang mag-asawa na talagang till death do us part ang naging kwento ng buhay nila. Sana kung ako man ang mag-asawa ganito rin. Hindi ako marriage counselor o ano, pero ang tingin kong pinaka-importante pag kasal na ang tao eh yung pag turing sa isa na parang best friend at dapat walang matutulog kung may away. Dapat ayusin muna.

Siguro, tama lang na sabihin ko ngayon sa inyo na saka na lang ako magpapakasal. Hindi pa talaga ako handa. Kayo handa na?

Advertisements

Out of School na ang Sayote

23 Nov

Nalampasan ko na ang buhay estudyante (temporarily lang pala… kasi pag nursing, kelangang may continued education). Ngayon, buhay trabaho naman na ang dapat atupagin. Mahirap pala ang maging out-of-school (ibig sabihin tapos na mag-aral). Dahil wala ng allowance. Ni dyis sentimos wala. Hindi na ako binibigyan ng Nanay ko. Sabi niya, wala ka namang skul ah! Dami niya excuse. May pang ukay ukay naman siya.

Siyempre, bago muna yan, may board exams pa. Wala ang puso ko sa exam na to. Dahil unang una, gusto ko sa June talaga ako mag-eexam. Pero ngayon, inaapura naman ako ng Tatay kong mag-board. Mabuti na lang mabuti akong anak kaya sunod lang ng sunod. Naks. Hindi nga ako masyado nagre-review eh. Parang wala lang sa akin. Mahirap pala pag wala ang puso mo sa isang bagay at hindi mo talaga gusto. Mahirap. Kalaban mo sarili mo sa gagawin mo.

Pero, no choice di ba. Kelangan kahit kaunti mag-aral. Sesemplang man ako sa board exam, sarili ko rin sisishin ko.

Balik tayo sa walang allowance. Ni pang fishball wala akong pambili. Eh kasi naman ang Nanay ko ayaw talaga akong bigyan. Pero may pambili siya ng sapatos at mga damit niya. Ako, fishball lang ayaw pa huhuhu.

Mahirap talaga pag walang allowance. Kung hindi lang sana ako magbo-board, matagal na akong naghanap ng work ko. Sana pag darating ang panahon, madali lang ako makuha. Kung hindi. No fishballs. For life.

Nagpabili din ako ng cassava cake kanina kay Nanay. Trenta pesos yun. Sabi ba naman niya, bayaran mo ha! Ngeks! Kaya ngayon, abala akong naghahanap ng mga 25 cents, piso, limang piso sa ilalim ng sofa, sa mga under the bed… Para lang may pang tustos sa sarili ko hehehe.

Ilokano si Nanay eh. Sabi nila kuripot daw. Naririnig ko lang yan. Hindi ako ang nag-sabi.

Gusto ng magulang ko sa US of A ako magtratrabaho. Sa totoo lang, parang ayaw ko pang umalis sa Pinas. (SQ kumakanta: Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino! Taas Noo kahit kanino!…) Wala lang. Nasubukan ko na kasing tumira sa ibang bansa. Mas maganda pa rin dito sa Pinas. Kahit na medyo magulo dito, Pinoy pa rin ang gusto kong mapangasawa. Ngak! Pano pumunta sa usapang yan. Ibig kong sabihin, Philippines is still the best for me!

Andami dami pang exam na dapat i-take! Kainis! Pero ganyan lang talaga. Wala akong magagawa. Hindi naman pwedeng dito lang ako sa bahay taga-luto, taga-hugas ng kotse, gardener, janitor, taga tiklop ng damit… Kaya dapat pagkatapos ng board, pumasa man o hindi, paghahanap ng trabaho ang aasikasuhin ko.

***

Mga peeps, salamat sa mga komento. Thank you at winelcome niyo ako sa mundo ng overworked and underpaid workers! hehehe. Miss ko na kayo ah! (BIG SAYOTE HUGS!)