Archive | Buhay Estudyante RSS feed for this section

Out of School na ang Sayote

23 Nov

Nalampasan ko na ang buhay estudyante (temporarily lang pala… kasi pag nursing, kelangang may continued education). Ngayon, buhay trabaho naman na ang dapat atupagin. Mahirap pala ang maging out-of-school (ibig sabihin tapos na mag-aral). Dahil wala ng allowance. Ni dyis sentimos wala. Hindi na ako binibigyan ng Nanay ko. Sabi niya, wala ka namang skul ah! Dami niya excuse. May pang ukay ukay naman siya.

Siyempre, bago muna yan, may board exams pa. Wala ang puso ko sa exam na to. Dahil unang una, gusto ko sa June talaga ako mag-eexam. Pero ngayon, inaapura naman ako ng Tatay kong mag-board. Mabuti na lang mabuti akong anak kaya sunod lang ng sunod. Naks. Hindi nga ako masyado nagre-review eh. Parang wala lang sa akin. Mahirap pala pag wala ang puso mo sa isang bagay at hindi mo talaga gusto. Mahirap. Kalaban mo sarili mo sa gagawin mo.

Pero, no choice di ba. Kelangan kahit kaunti mag-aral. Sesemplang man ako sa board exam, sarili ko rin sisishin ko.

Balik tayo sa walang allowance. Ni pang fishball wala akong pambili. Eh kasi naman ang Nanay ko ayaw talaga akong bigyan. Pero may pambili siya ng sapatos at mga damit niya. Ako, fishball lang ayaw pa huhuhu.

Mahirap talaga pag walang allowance. Kung hindi lang sana ako magbo-board, matagal na akong naghanap ng work ko. Sana pag darating ang panahon, madali lang ako makuha. Kung hindi. No fishballs. For life.

Nagpabili din ako ng cassava cake kanina kay Nanay. Trenta pesos yun. Sabi ba naman niya, bayaran mo ha! Ngeks! Kaya ngayon, abala akong naghahanap ng mga 25 cents, piso, limang piso sa ilalim ng sofa, sa mga under the bed… Para lang may pang tustos sa sarili ko hehehe.

Ilokano si Nanay eh. Sabi nila kuripot daw. Naririnig ko lang yan. Hindi ako ang nag-sabi.

Gusto ng magulang ko sa US of A ako magtratrabaho. Sa totoo lang, parang ayaw ko pang umalis sa Pinas. (SQ kumakanta: Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino! Taas Noo kahit kanino!…) Wala lang. Nasubukan ko na kasing tumira sa ibang bansa. Mas maganda pa rin dito sa Pinas. Kahit na medyo magulo dito, Pinoy pa rin ang gusto kong mapangasawa. Ngak! Pano pumunta sa usapang yan. Ibig kong sabihin, Philippines is still the best for me!

Andami dami pang exam na dapat i-take! Kainis! Pero ganyan lang talaga. Wala akong magagawa. Hindi naman pwedeng dito lang ako sa bahay taga-luto, taga-hugas ng kotse, gardener, janitor, taga tiklop ng damit… Kaya dapat pagkatapos ng board, pumasa man o hindi, paghahanap ng trabaho ang aasikasuhin ko.

***

Mga peeps, salamat sa mga komento. Thank you at winelcome niyo ako sa mundo ng overworked and underpaid workers! hehehe. Miss ko na kayo ah! (BIG SAYOTE HUGS!)

Advertisements

Big Boobs? Small Boobs?

21 Aug
Warning : Medyo pang R-18 to ha! Tumuloy lang kung hindi makitid ang utak mo…

Kelangan ba talagang malaki ang boobs ng isang babae para magustuhan siya? Pano kung singlaki lang ng pisong pandesal? May manliligaw pa rin kaya?

Sa sariling opinyon ko, hindi naman talaga kelangang malaki ang boobs ng babae. Oo, asset na kung asset kung malaki. Pero hindi yun ang magiging basehan kung liligawan ka o hindi. Dapat, CARRY MO sister! Literally!

May misconception din kasi ang mga babae (at lalake) na kung malaki ang boobs ng isang babae, patok na patok siya sa lalake. Kumbaga, kelangan daw malaki ang boobs para magkaroon ka ng epekto sa mga male species. Pero hindi naman talaga di ba mga lalake? Di ba? Di ba? (SQ: Ngyek! Hindi ba?)

Halimbawa, nung nasa Saint Louis University ako, may isang Med Tech student na jumbology ang kaniyang hinaharap… Kung kay Ruffa Mae Quinto, jumbo, iyon double jumbo. Pero ang problema, 4 feet 11 inches siya. Parang hindi bagay di ba. Pero sariling opinyon ko lang yun ha. Walang personalan.

Tuwing nasasalubong namin siya, napapatunganga ang mga kasama naming lalake. Dahil maliban sa kaniyang napakalaking hinaharap, okey pa manamit ang girlash na to. Mini skirt, spaghetti strap, see-through blouse, atbp. Siguro siya na ang naging dahilan sa pag-hihigpit ng SLU sa dress code. Akala ko nga ako ang naging dahilan dahil sa sobrang baduy ko.

Anyway, pansinin talaga ang girlash, dahil kung nakita niyo man siya, para siyang pupunta lagi sa Alberto’s o Gimbals sa get-up niya. Kulang na lang, sabayan siya ng isang floating disco ball.

Sa akin naman, walang problema ‘to. Wala akong paki-alam kung ganun siya manamit. Pero sa totoo lang, naaawa ako kasi madalas siyang mabastos. Naalala ko minsan nakasama ko yan papasok sa gate ng Otto Hahn. Nung pagdating sa tambayan ng mga guys between Adenauer building at Otto Hahn building, andaming sumipol, andaming nag-comment. At enjoy na enjoy pa rin si girlash. Kumaway pa ang jumbology.

At da worst talaga ang nangyare sa isang Natural Sciences night namin. Technical crew ako nun at nasa harap kami ng mga kasama ko. Kasali pala siya sa dance number.

Que barbaridad! Dance number nga. Ang sinuot ni girlash eh isang off-shoulder dress. Meaning, pag yumuko man siya, makikita na ang mga Mount Mayon niya.

Eh ang dance number na yun, talagang mabilis, matalon, at funky na funky. Kaya ang nangayare, kada talon ni girlash, tumatalon na rin ang kanyang hinaharap. Ito ay ikinatuwa ng mga lalakeng audience siyempre. Pati nga ako, tuwang tuwa pero nahihiya na ewan. Hindi ko mawari nararamdaman ko nun eh.

Kaya naging special attraction ang girlash na ito. Hindi naiwasan na maglabas ng iba ng mga cellphone nila para i-video nila ang girlash na yun. Malakas ang mga hiyaw, sipol, palakpak. Pero hindi ko narinig ang BOO!

Tsk tsk.

Since nasa harap ang sayote, kitang kita ang mga moves ni girlash. Pati moves ng kanyang hinaharap, kitang kita ko rin. Hindi kasi pareho ang direksyon ng pag-galaw ni girlash at kanyang hinaharap. Since mabigat ang hinaharap, parang may delay sa pagsabay ang boobs niya. Kumbaga, normal ang speed ni girlash, pero ang hinaharap, parang slow motion. Kung nasa kanan na ang mga steps ni girlash, parang nasa left pa rin ang hinaharap niya.

Hindi mapagkakaila na siya ang naging headline sa sumunod na araw. May mga kumakalat na balita na hindi rin siya naka-bra nung gabing yun. Meron din ang mga nagsabing maki-kick out na siya sa SLU. Hindi lahat yan tsismis. Dahil nung sumunod na nakita ko siya, schoolmate ko na rin siya sa University of Baguio nung nag-transfer ako dun.

Kahit anong size man ng boobs mo, okey lang yan. Basta carry mo girl, rerespetuhin ka. Kung malaki ka man, be proud! But always make sure you don’t disgrace yourself. Hindi boobs mo ang magbibigay sayo ng character mo. Kundi sarili mo.

At kung liligawan ka rin dahil sa boobs mo, naku sister, batukan mo na lang at hintayin ang Prince Charming mo. Obviously, may ibang gusto ang lalaki na yun sa iyo. At teka, kung malaki sayo, malaki rin ba kay boy? O ha, di ba! Dapat naisip mo yun! Hehehe. Para patas di ba.

At hindi naman mahalaga sa isang lalake ang malaking boobs eh. Di ba guys? Di ba!? (umaastang susuntok) Good boy! hehehe.

Related posts:

Random Sayote Entries: