Kelan Ikakasal si Sayote Queen

26 Nov

Kaninang kumuha ako ng meryenda sa kusina (meryenda na naman?), pinapanood ng kasambahay namin yung isang pelikula ni Sharon Cuneta at ang leading man niya dun eh si Ariel Rivera. Hindi ko alam kung anong title nun pero ang napanood kong scene eh yung ikakasal na yata sila. Biglang tinanong ako ng kasambay namin (si Ate Mary) kung kelan daw ako ikakasal. Muntik ng lumabas yung spanish bread sa ilong ko sa gulat.

Unang-una, hindi ko muna gustong ikasal sa kadahilanang (naks lalim) inosente at mura pa ang isipan ko. Pangalawa, nagsisinungaling ako tungkol sa una. Teka, teka, seryoso muna. Unang-una, takot ako. Pangalawa, hindi ako ready.

Takot ako dahil andami kong kakilalang nag-fail ang marriages nila. Ayaw kong mangyari yun. Oo, face your fears pero, pag kasal ang pag-uusapan, parang ang hirap para sa akin. Takot din ako kasi andami kong kakilalang either NAloko ng asawa nila o NANloko ng asawa. Wala akong pinapatamaan dito okay. Basta yun lang ang dahilan ko.

Mahirap nga namang ikasal. Biruin mo, makakasama mo siya habang buhay! Pag tulog mo sa gabi, siya huli mo makikita… Pag gising mo, siya una mo makikita. Lagi mo na siyang maaamoy. At since nasa isang bahay na kayo, maririnig at maaamoy mo na ang utot niya na dati hindi niya ginagawa nung magsyota pa kayo. Malalaman mo din kung maingay siyang tumae (kung may tumutunog na PLOK! kung nasa banyo siya) At saka kung kelan niya trip mangulangot o ano pa… Marami kang malalaman sa kanya dahil ngayon, magsasama na kayo.

Pero, andami rin namang mag-asawa na talagang till death do us part ang naging kwento ng buhay nila. Sana kung ako man ang mag-asawa ganito rin. Hindi ako marriage counselor o ano, pero ang tingin kong pinaka-importante pag kasal na ang tao eh yung pag turing sa isa na parang best friend at dapat walang matutulog kung may away. Dapat ayusin muna.

Siguro, tama lang na sabihin ko ngayon sa inyo na saka na lang ako magpapakasal. Hindi pa talaga ako handa. Kayo handa na?

13 Responses to “Kelan Ikakasal si Sayote Queen”

  1. Kapihan November 27, 2006 at 9:11 am #

    Masarap ang may-asawa🙂 Araw-araw, kwan… lambingan, he he he. May hirap na kasama pero kinakaya yun. Mas tumitibay ang samahan kapag nagkaroon na ng anak.

  2. sayotequeen November 27, 2006 at 10:07 am #

    Ay oo nga!🙂 Pag may-asawa pala araw-araw KWAN. Mag-aasawa na ako. Wakokoko. Joke lang🙂 Korek ka jan. Yun din sabi ng mga kaibigan ko. Na pag may anak na, lalong tumitibay ang samahan. I’m sure you love your family.🙂

  3. hana November 27, 2006 at 11:13 am #

    naxx naman! ms. sayote queen graduate ka na pala. congratulations!

    noon puros mga estudyante experience at kung anu-ano pa kinukwento mo sa blog mo tapos ngayon kasal na. wow naman!

    ang sarap na siguro ng buhay mo ngayon.

  4. Cheska November 27, 2006 at 12:26 pm #

    ako, ready na. coon, sobrang takot. nagbabago talaga ang mga tao.

  5. Cheska November 27, 2006 at 12:27 pm #

    ang ibig kong sabihin, noon, hindi coon. crappy keyboard. =)

  6. Leah November 27, 2006 at 1:17 pm #

    Hindi mo malalman kung paano talaga kung hindi mo ma-eexperience. Sabagay bata ka pa…take your time …enjoy life (not that life would be un-enjoyable when you get married)..I should say Enjoy your single life. Date lang ng date, pagdating ni Mr Right, eh san pa ba mapupunta yun eh di wedding bells din di ba?

  7. billycoy November 27, 2006 at 3:17 pm #

    ako handa na, kahit kailan pwede na akong ikasal… kaso wala akong kapartner na ikakasal sa akin.

  8. rose November 27, 2006 at 7:48 pm #

    naku pareho tayo, ewan ko,. alam mo ba 10 taon na kami nitong BF ko me 2 anak na kmi pero di pa rin kasal,. takot ako,. ang dami kasing angtagl magkasama then nung nagpakasal, 2 3 buwan isang taon lang afer ng marriage. divorced na.. kaya ayun natakot ako..
    pero siguro magbabago pa naman ang isip ko… pag me life insurance syang worth a million.. hehehe kidding!!!

  9. h2omelon-gurl November 28, 2006 at 1:45 am #

    ows? pwede nang pasakal pag di na nagkakahiyaang sa pag-utot, pangulangot at pagfufu? at kung me life insurance na nang 1M? naks! pwede na akong magpakasal. hahaha.

    pero seriously, feel ko lang kasi nahanap ko na yung taong gusto kong makasama sa buhay. na gusto ko kasama ko syang tumanda regardless kung baog ako o hinde… kung mambabae sya o hinde… basta wag lang sya pahuhuli at alam nya kung sino pipiliin at priority nya (syempre si legal wife dapat!). kasi naman, para sa akin, commitment ang nagpapatagal sa isang relationship.

    sabi nga: “no one falls in love by choice… its by chance; no one stays in love by chance… its by effort; no one falls out of love by effort… its by choice.”

    dont mind me… wala lang akong magawa at medjo nasobrahan sa coffee.

  10. TIKEY November 28, 2006 at 10:00 am #

    Para bagang gusto kong ikasal ulit heheh!!

  11. Michelle November 28, 2006 at 10:31 am #

    di pa ko handa financially eh pero gusto ko na din sana… sabi nga nila kapag asawa mo na makikita mo na yung mga hidden ugali ng partner mo.

  12. eye February 16, 2007 at 5:54 pm #

    hahaha! plok! relate ako sa yo, ako malapit na mawala sa kalendaryo pero hindi pa rin handa😀

  13. Aris October 31, 2010 at 9:20 am #

    Hi Sayote Queen, Aris here! Nagbloblog ka pa rin pala. I tried cheking your domain but it’s not working. I got my domain na rin pala! How are you? I used to visit your blog before!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: