Out of School na ang Sayote

23 Nov

Nalampasan ko na ang buhay estudyante (temporarily lang pala… kasi pag nursing, kelangang may continued education). Ngayon, buhay trabaho naman na ang dapat atupagin. Mahirap pala ang maging out-of-school (ibig sabihin tapos na mag-aral). Dahil wala ng allowance. Ni dyis sentimos wala. Hindi na ako binibigyan ng Nanay ko. Sabi niya, wala ka namang skul ah! Dami niya excuse. May pang ukay ukay naman siya.

Siyempre, bago muna yan, may board exams pa. Wala ang puso ko sa exam na to. Dahil unang una, gusto ko sa June talaga ako mag-eexam. Pero ngayon, inaapura naman ako ng Tatay kong mag-board. Mabuti na lang mabuti akong anak kaya sunod lang ng sunod. Naks. Hindi nga ako masyado nagre-review eh. Parang wala lang sa akin. Mahirap pala pag wala ang puso mo sa isang bagay at hindi mo talaga gusto. Mahirap. Kalaban mo sarili mo sa gagawin mo.

Pero, no choice di ba. Kelangan kahit kaunti mag-aral. Sesemplang man ako sa board exam, sarili ko rin sisishin ko.

Balik tayo sa walang allowance. Ni pang fishball wala akong pambili. Eh kasi naman ang Nanay ko ayaw talaga akong bigyan. Pero may pambili siya ng sapatos at mga damit niya. Ako, fishball lang ayaw pa huhuhu.

Mahirap talaga pag walang allowance. Kung hindi lang sana ako magbo-board, matagal na akong naghanap ng work ko. Sana pag darating ang panahon, madali lang ako makuha. Kung hindi. No fishballs. For life.

Nagpabili din ako ng cassava cake kanina kay Nanay. Trenta pesos yun. Sabi ba naman niya, bayaran mo ha! Ngeks! Kaya ngayon, abala akong naghahanap ng mga 25 cents, piso, limang piso sa ilalim ng sofa, sa mga under the bed… Para lang may pang tustos sa sarili ko hehehe.

Ilokano si Nanay eh. Sabi nila kuripot daw. Naririnig ko lang yan. Hindi ako ang nag-sabi.

Gusto ng magulang ko sa US of A ako magtratrabaho. Sa totoo lang, parang ayaw ko pang umalis sa Pinas. (SQ kumakanta: Ako ay Pilipino! Ako ay Pilipino! Taas Noo kahit kanino!…) Wala lang. Nasubukan ko na kasing tumira sa ibang bansa. Mas maganda pa rin dito sa Pinas. Kahit na medyo magulo dito, Pinoy pa rin ang gusto kong mapangasawa. Ngak! Pano pumunta sa usapang yan. Ibig kong sabihin, Philippines is still the best for me!

Andami dami pang exam na dapat i-take! Kainis! Pero ganyan lang talaga. Wala akong magagawa. Hindi naman pwedeng dito lang ako sa bahay taga-luto, taga-hugas ng kotse, gardener, janitor, taga tiklop ng damit… Kaya dapat pagkatapos ng board, pumasa man o hindi, paghahanap ng trabaho ang aasikasuhin ko.

***

Mga peeps, salamat sa mga komento. Thank you at winelcome niyo ako sa mundo ng overworked and underpaid workers! hehehe. Miss ko na kayo ah! (BIG SAYOTE HUGS!)

5 Responses to “Out of School na ang Sayote”

  1. Nagi November 23, 2006 at 4:45 pm #

    Ngaun ko lang nalaman na nagbago ka na ng tirahan. WordPress ka na pala. Di mo man lang ako in-update. ;__;

  2. Kapihan November 23, 2006 at 7:35 pm #

    Nice template🙂 Welcome back to blogging!

  3. billycoy November 24, 2006 at 10:55 am #

    Bakit naman ako ilokano rin pero di naman ganun ka-kuripot, slight lang.

    Kung pupunta ka na sa US of A, walang fishball dun na katulad sa atin di ka rin magiging masaya, kahit mag-asawa ka dun ng mayamang amerikano, milyun-milyong fishball din sana yung kung sakali kaso wala naman sa kanila.

  4. psyche November 25, 2006 at 12:19 pm #

    o etong 0.25 cents pang dagdag sa mga makikita mo pang veinte cinco. =)

    **apir.

    ayos lang yan. ganun din ako dati eh. =)

  5. Michelle November 25, 2006 at 1:35 pm #

    Wow, nagbalik na si fave blogger ko… Congrats nga pala graduate kana pala. Ganyan talaga parents kapag di kana estudyante, bahala kana sa pera na pambili mo ng kung anik anik hehehe.

    Welcome back!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: