Archive | September, 2006

Update ng Sayote

28 Sep

Malamang may mga nagtaka kung bakit ang tagal kong hindi nag-post. Siguro dahil busy ako, o di kaya, nag-set in na ang tamad-akong-mag-blog syndrome. Pero 60% busy talaga ako. Katatapos lang ng comprehensive exams sa school at nakapasa ako (woohoo!) – graduate na ako talagang talaga (woohooo again). Tapos everyday naman – review for the qualifying exams. Exams na magqua-qualify sa aming kumuha ng board exams. Pero hindi ako pumapasok, dahil nakakatamad and I prefer to study by myself. At isa pa, mukhang malabong kukuha ako ng board this December. Alam niyo naman siguro kung bakit – yang dahil sa leakage na yan, parang isang circus na ang board exam, and dare I say, nursing.

Nakaka-dismaya ang inabot ng leakage nung June 2006 board exams. Nabalitaan ko na inutos na ng Presidente ang pagre-take ng mga nagboard nung June. Hindi ko alam kung pano ako magre-react dito. Dahil yung mga kakilala ko, nakapasa nung June.

Enough about that. Let’s talk about the Sayote. (naks)

Malapit na birthday ko. Bukas na. Hehehe. Uuwi sana ako sa Baguio kaso nagbabanta ang bagyong Milenyo at hindi ko pa napapirma ang lintik na clearance na yan. Pano ba naman, ang haba ng pila sa accounting, kulang na lang matulog ako dun para lang mauna sa pila kinabukasan. Pero konting pasensya na lang siguro… Tapos napagalitan pa ako kasi ngayon lang ako nagpapa-pirma ng clearance. Sabi ng teacher ko:

Bakit ngayon ka lang nagpapa-clearance ha. Sabunutan kita diyan eh.

Ayos ang pagkaprofessional ng teacher ko. Humingi ako ng tawad at sinabing:

Ma’am dahil ngayon lang po binigay yung grade ko sa duty.

Wa siya ma-say. Di ko naman kasalanan kung matagal magbigay ng grade ang C.I. di ba. Sabunutan mo ako at… sasabunutan din kita. Hindi joke lang.

Meron na rin gift si nanay. Financial gift. Enough to buy me a new pair of socks. Sabi ko kay nanay, sana hindi na siya nag-abala hehehe. Pero ok lang, it’s the thought that counts. Ay napaka-cliche naman niyan.

Malapit na rin ang graduation. October 15. Sabi ng mga classmate ko, maghanap na daw kami ng peerrrfffeecccttt graduation dress. Go na go naman ang sayote. Pero may kasya ba? Ang great advise ng nanay ko: magpatahi ka na lang. Ayos. Parang gusto pang pumunta ako kay Sotto. Pero siguro meron naman sa SM department store ng kahit top at skirt na kasya sa akin. Hindi ko talaga na-achieve ang goal kong magiging kasing payat ako ni Paris Hilton by the end ng September. Lakas ko pa rin kasing lumamon. Tsk tsk tsk. Nakakagutom kasing mag-review. Naks, mga palusot.

Ano kaya hihingiin kong graduation gift? Hm… Esep esep. Sana hindi na naman medyas.

Siyangapala, salamat sa mga nagko-komento kahit na nagkulang ako sa update. 🙂

Pangit ako Pero Bagay Ko

4 Sep

“Anak, walang pangit sa mundo. Lahat ng ginawa ng Diyos, maganda. Ikaw anak, maganda ka…”

Yan ang sinabi ng nanay ko sa akin nung bata ako. Tinanong ko kasi siya nun kung bakit ang gaganda ng artista at hindi ko sila kamukha. Dun ko rin napatunayan na ang Nanay eh pwede ring magsinungaling sa anak.

“Ano ka ba Ate She, walang pangit okeeeey!”

Yan din ang sabi ng classmate ko nung early college days ko. Malakas lang siguro ang loob niya dahil ubod siya ng kagandahan at ka-seksihan. Pano kaya kung siya ako. Masasabi niya pa kaya yun? O magrereklamo siya gaya ko?

Nung isang linggo, napanood ko sa Bubble Gang kung bakit lamang ang mga pangit sa mundo kung ikukumpara sa mga gwapo/ maganda.

Hindi ko na matandaan lahat ng mga advantages pero heto ang mga naaalala ko.

1. Hindi ka magagahasa.

Sa sobrang panget daw ng isang tao, imbes na gagahasahin ka, magdadalawang isip pa yung tao. Kahit na ubod na lasing na yung lalake, hindi ka daw niya gagalawin.

2. Hindi ka mahoholdap.

Dahil pangit ka daw, wala daw sa mukha mo na makakabili ng mga mamamahaling damit, cellphone o mga gadgets.

3. Walang mai-insecure sayo.

Sa napanood ko sa Bubble Gang, tila magiging sagana ka daw sa mga regalo mula sa office mates mo pag panget ka. Dahil alam nilang hindi mo sila malalamangan compared sa mga kapwa nila magaganda at gwapo.

**

Siyempre, katuwaan lang ang palabas na yun ng Bubble Gang. Pero sa totoong buhay, MAS MARAMING disadvantage ang pagiging panget. Heto ang mga napansin ko magmula nung namumuhay ako sa planeta Earth.

Paalala: Hindi ako nanglalait dito. Gusto ko lang maparating sa iba ang DISADVANTAGE ng hindi napanganak na gwapo o maganda. Tulad ko. Dahil lahat ng ito, na-experience ko na.

1. May classmate ako nung elementary noon, tawagin na lang natin siyang Mila. Tahimik lang si Mila at walang kaibigan. Madalas siyang pintasan at tawanan ng mga classmate ko. Ako, wala akong involvement diyan. Good girl yata to (Yun na lang ang pwede kong ipagmalaki siguro). Kahit hindi ko nakita si Mila na umiyak nun, alam ko, sa loob-loob niya, galit siya at nasasaktan. Minsan, talagang ako ang lumapit dahil na rin sa awa. Buong recess na yun, sinamahan ko lang siya. Hinati ko ang cupcake ko na binili sa bakery ng Nanay ko at binigay ko sa kanya. Maraming beses ko pa siya sinamahan ng recess, pero NEVER… as in NEVER nagsalita si Mila sa akin.

Until, naging classmate ko ang kapatid niya nung high school. Na-delay ako kasi nag-aral ako sa ibang bansa nun. Nagkita kami ni Mila nung sinundo niya ang kapatid niya sa isang okasyon sa school. Niyakap niya ako at umiyak, sabay sabi, She, thank you talaga. Ikaw lang ang kaibigan ko nung elementary.

Hindi drama yan o kayabangan ha. Totoo yan. Ang sa akin lang, hindi kelangang tratuhin ng masama ang mga di kagandahan o kagwapuhan.

Napagtanto ko, pag panget ka, parang ikaw na lang napapansin ng tao. Andami nilang nasasabi sa itsura mo, sa suot mung damit, sa gamit mong cologne…

2. Pag hindi maganda ang appearance mo, halos hindi ka asikasuhin sa mga government agency, sa mga bangko, sa mga mall, department store… Para kang invisible.

From first hand experience ito. Minsan, nung bibili ako ng cellphone sa Glorietta, halos hindi ako pansinin ng mga sales girl. Siguro dahil naka jeans ako, naka tsinelas at naka blouse. Feeling siguro nila, pickpocket ako.

3. Ayaw kang tigilan ng taxi o hindi ka pasasakayin.

Experience ko na naman yan. Ang talagang hinihintuan eh mga seksi at maganda.

4. Hindi ka popular sa klase. (Unless ubod ka ng talino at may cool na talent ka)

5. Kadalasan, hindi ka seseryosohin ng tao.

6. Konti lang ang magdadalawang isip para ligawan ka. Lalo na pag tahimik ka. At hindi masyadong lumalabas.

7. Maraming nasasabi ang iba tungkol sa ugali mo. Sa pananamit mo.

Halimbawa: “Ang panget mo na nga, jologs ka pa” – nangyari yan nung high school. Pero nung nalaman nila na nakakasolve ako ng problems sa calculus, kinaibigan ako. (basahin din itong post na to)

8. Hindi ka pwedeng maki-pagkaibigan sa mga magaganda at popular sa school. Unang tingin pa lang sayo, outcast ka na.

9. Mabibilang ang mga lalakeng makikipag-flirt sayo.

10. Madalas kang husgahan dahil sa itsura mo. Hindi ugali mo.

**
Tingin ko, masyado nang napagtuunan ng pansin ang itsura ng isang tao ngayon. Napaka-idealistic na masyado ang pagsabi na lahat eh maganda o gwapo. Parang wala ng ganung pag-iisip ngayon.

Maaaring sumangayon ka sa mga sinabi ko dito o hindi. Pero pinapaalala ko na mga experience ko ito.

Ang maipagmamalaki ko lang eh, hindi ako mapang-husga ng tao. Mas gusto ko pang magkaroon ng kaibigang hindi kagandahan o kapogihan pero okey sa ugali, kesa naman sa babaeng maganda, sexy at maputi na biii—aaattt—-cccchhhh!

NUF SAID!