Sa Pagiging Panganay

22 Aug

Kanina, tumawag si Tatay para kausapin ako tungkol sa nalalapit kong (SANA) graduation. Tinatanong kung siguradong gra-graduate na ako. At nag-request na sana pag nag-trabaho na ako eh tulungan ko siya sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko.

Siyempre, kahit hindi naman magre-request si Tatay, talagang gagawin ko naman yun. Balak ko nga, unang sweldo ko, 95% ang ibibigay ko para sa kanila. Bakit hindi 100%? Kasi ayaw ko rin namang mag-hunger strike noh! Pero malayo pa yun. Dapat talaga, mag-aral muna ng mabuti para talagang maka-graduate at makapag-trabaho.

Naisip ko, mahirap din talaga ang maging panganay. Maraming hihingiin sayo. Maraming dapat at di dapat gawin. Dapat, kaw ang role model ng mga kapatid mo.

Pero may advantage/ pros rin ang pagiging isang panganay eh…Nakakasiguro kang BRAND NEW lahat ng baby clothes mo. At lahat ng mga susunod na kapatid mo, siguradong sigurado may isusuot silang damit na pinag-lumaan mo nung baby ka. At pwede ka ring maging instant diktador (pag bata kayo ha, hindi pwede yan pag matanda na hehehe).

Naaalala ko nung bata ako, andaming beses kong naloko kapatid ko. Sa sobrang loko ko nung bata ako, napainom ko siya ng isang tasa ng suka. Ang sabi ko kasi sa kanya, [pangalan ng kapatid], inumin mo na ang tsa-a mo, sige ka, magagalit si Nanay.

Eh ininom niya nga. At nagsuka ang kawawa kong kapatid. Palo sa pwet ang naging kapalit nun.

Minsan, sinabi ko rin sa kanya noon na mas malaki ang halaga ng mga barya kesa papel na pera. Noon kasi may papel pang limang piso. Eh may dalawang piso ako. Nagpalitan kami. Yun tuloy, naka limang ZOOM ZOOM ako.

Nung birthday nang kapatid kong yun, naglaro kami ng parlor-parlor. Sabi ko ako yung gugupit sa kanya at vice versa. Kaya ang ginawa naming dalawa, nag-gupitan kami ng bangs, sagad sa ulo. Imagine niyo na lang itsura namin nun. Para kaming nadaanan ng lawn mower sa ulo. Kaya kung titignan niyo ang mga pictures namin nung bata, makikita niyo yung picture naming wala kaming bangs. Kalbo sa harap at may buhok sa likod ng ulo. Konti na lang, magiging gaya na kami ni Jet Li sa mga old martial arts movie niya.

Siyempre, mga innocent pranks lang yun nung bata pa ako. Ngayon, spoiled naman sila sa akin. Kahit na wala akong trabaho, kung nakakapag-ipon ako, talagang pinapasalubungan ko sila kahit konti. Siguro mamumulubi ako pag nag-work na ako…

Pag panganay ka, pwede mo ring diktahan ang mga kapatid mo sa mga gawaing-bahay habang hihiga ka lang sa duyan pa swing-swing. Pwede mong pa-saingin si Junior, pag-lutuhin si Neneng, at paglabahin si Boy. Habang si Marya naman ay pinapaypayan ka sa duyan at sinusubuan ka ng mga grapes.

Pagtanda naman, ayan na ang pressure. Dapat talaga, pinapakitaan mo ng mabuti ang kapatid mo para hindi gayahin ang mga maling gawain mo. Role-model kumbaga. At kung papalya ka, parang napakalaking kasalanan ang naidulot mo sa pamilya mo. Hindi lang sa magulang kundi pati sa mga kapatid mo.

At siyempre, marami rin akong kilalang panganay na nawalan na ng tuluyan ang love life dahil inuna muna ang pagsilbi sa magulang at mga kapatid. Naibuhos na lahat ng oras sa pagtratrabaho.

Siyempre, sa akin, talagang pangarap ko ring magsilbi kina Nanay at Tatay, gusto kong tinapay. Ate kuya gusto kong kape. [Kumanta ba. Hindi joke lang.]

Gusto ko ring talagang pagsilbihan ang magulang kong sangkatutak na ang nagastos sa pag-aaral naming magkakapatid. Lahat ng kaya ko sigurong bilhin, bibilhin ko sa magulang ko. Lalo na kay Tatay. Kasi siya talaga ang nagpursiging mag-trabaho sa ibang bansa, kahit na malayo kami sa kanya. Talagang gusto kong palitan ang lahat ng sakripisyo niya para sa aming lahat. Kaso parang ang hirap, ang hilig kasi nun mga sound system. Que barbaridad! Mamumulubi nga talaga ako hehehe!

Hindi ko siya masisisi kung talagang sinisigurado niya ang pag-graduate ko. Ako kasi ang una niyang anak na gra-graduate. At isa pa, ako ang “pinaka-” sa mga kapatid. Hehehe. Hindi biro lang, ako lang kasi ang malapit sa kanya at malambing. Kumbaga, magka-level kami sa mga istorya. Mahilig kasi mag-joke yun. Ako naman, mahilig mag-green joke. hehehe.

Hay! Parang ang laki tuloy ng responsibilidad ko ngayon. Dapat talagang mag-aral. Dapat maka-graduate, makapasa sa board exams. Mahirap na, baka masinturon ako ni Tatay hehehe. Nasinturon na kasi kami ng kapatid ko nun dahil nagbugbugan kami at napa-dugo ko bibig ng kapatid ko. Ayun, yari si SQ nun. WAAAAA-PAK! Sinturon tuloy abot ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: