Iba Ka Na Pala Ngayon

18 Aug

Nung high school ako, napipilitan talaga akong kumanta. Hindi ko naman ito hobby, o talent, o past-time… Kung may gusto man akong gawin noon (at hanggang ngayon) eh magbasa ng magbasa. Halos lahat nababasa ko nun. Basta mababasa. Comics. Textbook. Notebook. Nancy Drew. Sweet Valley High. Readers’ Digest. Pocketbook. Liwayway. Abante. Bulgar… Pati yung “How to Improve your Sex Life” ng tita ko na iniwan niyang nakakalat sa sala niya nabasa ko na rin. Sekret na lang kung kelan ko na-apply ang mga nabasa ko sa librong iyon.

Back to pagkanta…

Naalala ko nung first day ko sa school na yun, required daw talaga ang kumanta sa music class. Lahat daw ng new students. Hulaan niyo kung ilan ang new students. Ako lang (second year ako nung pumasok ako sa school na yun).

Que barbaridad! Eh pano naman kaya yun? Hindi pa nga ako na-update sa recent na mga tugtugin nun sa Pilipinas, pinapakanta na ako ng guro. Sus marya, ginoo! Biglang naglaho ang pangarap kong manahimik na lang sa sulok ng classroom hanggang dismissal. Pinagpawisan ako ng malamig kasi hindi ko talaga alam ang kakantahin ko… Hindi daw pwede ang Happy Birthday, London Bridge, Twinkle Twinkle Star.

Ano na SQ? Ano ang pwede mong kantahin…

Siguro, kung may genie in a bottle lang ako nun, ang magiging first wish ko ay:

LIFETIME FINANCIAL FUNDS FOR ME AND MY FAMILY. Kala niyo ha hehehe. Biro lang.

Yap, kung may genie in a bottle, talagang iwi-wish kong ilipad ako ng genie sa Babuyan Islands o di kaya gawin na lang akong suman.

Nag-isip ang sayote…

Halos lahat na yata ng santo nahingian ko ng tulong. Pati ang kaluluwa ni Elvis gusto kong sapian ako bigla para “You Aint Nothing but a Hound Dog” na lang ang kakantahin ko with matching Elvis asta and moves.

Nung mga oras na yun, na-mental block ako. Parang naglaho lahat ng mga alam kong kanta sa isipan dahil sa nerbyos. Ikaw ba naman mailagay ng biglaan sa spotlight ng walang rehearsal, props, back up dancers, second voice at orchestra ! Impromptu!

Ganun lang siguro talaga pag hindi mo ma-handle ang pressure ng isang sitwasyon. Natataranta at biglang nabubulok ang mga neurons mo. Biglang nagiging aktibo ang sympathetic nervous system mo. Hindi mo na mawari kung asan ang ulo mo sa paa mo. Halos mahimatay ka na sa nerbyos. O di kaya, halos lumabas na kalahati ng naipong ihi mo.

Wala talaga akong choice. Kelangan talagang kumanta ang kawawang SQ.

Ang mga naisip kong kanta sa mga segundong iyon ay :

Hero by Mariah Carey ba? >> Hindi pwede. Hindi ko kaya ang mga nota.

Humanap ka ng Pangit by Andrew E.? >> Naku, pang old school na yun. Year 1997 na kaya nun! Baka pagtawanan pa ako.

Paglisan ng Color It Red? >> S*it! Nakalimutan ko yung lyrics. Ang naalala ko na lang eh yung oooohhh oooohhhh sa chorus.
Tapos… Tapos… EUREKA! Alam ko na! May naririnig ako sa radyo nun. [SQ rapping]: It goes a little something like this:

Iba ka na pala ngayon ooohh…
Iba ka na pala ngayon…
Kinalimutan…
Hinayaan… at binalewala…
Kinawa… waaaaah….. waaaaaah… wooooohhh…

Sa huli talaga ang pagsisisi. Tinawanan ako ng buong klase non. Walang pumalakpak. Tumawa lang sila ng tumawa. Pati siguro si Ma’am eh gusto ng tumawa pero pinipigilan na lang.

Ginaya nila yung ending ko… kinawa… waaah.. waaah… wooo-oooohhh… Ilang beses nilang inulit at ginaya…

Mali ang choice ko sa kanta. Pang-jologs lang daw yun. Hindi ko na matandaan kung sino ang kumanta niyan eh. Nagagandahan lang ako sa tono. Naitatak sa isipan ko ang kantang yan dahil gandang ganda ako sa mensahe ng kanta.

Magmula nung araw na yun hanggang, siguro mga three months, basta makikita nila ako, kakantahin nila ung ending na kinawa… waaahh.. waaaah.. woooooohhh. Isisigaw pa nila ang kanta na parang di ko naririnig. At ako naman, nakiki-ride na lang at tinatawanan ko sarili ko

Blessed are those who can laugh at themselves, for they shall never cease to be amused. [SQ: Amen!]

Tumigil na lang ang mga classmate kong yun nung nalaman nilang pwede pala akong pagkopyahan ng assignment, pagawin ng project at mag-solve ng mga math problems. Magmula noon, hindi na nila ako kinantsawan sa sinabing kanta [SQ: Yun lang yata ang katapat ng kahihiyang dinulot nila sa akin – tsk tsk tsk]

Kaso ngayong mas tumanda kami ng ilang taon, pag nakikita ako ng mga classmate ko, wika nila, “di ba ikaw yung kumanta ng iba ka na pala ngayon? Ayos ka ha!” Sabay tawa (o tago ng tawa).

At ano naman ang reaction ng sayote? Siyempre ngingiti at sasabihin sa sarili: Pasalamat kayo sa akin ginawa ko mga assignment niyo nun kay Ma’am sa Math!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: