Paano Pag… Chronicles Isyu 1

11 Aug

Sitwasyon:

Nasa isang date ka. Itong lalake/ babaeng ito ay kras na kras mo. Kumbaga patay na patay ka dito. Nasa Baywalk kayo, umupo sa tabi ng bay at nagkwentuhan. Pagkalipas ng ilang oras, naisipan niyo ng umuwi. Tumayo ka… at ng tumayo ka napa-utot ka. Tumingin sayo ang ka-date mo, anong gagawin mo?



Office ni Sayote Queen

Ang masasabi ko lang dito eh, ang malas mo naman kapatid. Sa dami dami naman ng oras at lugar na pwede mong pagbombahan ng ereng nasa bituka mo eh sa date mo pa nagawa. Pero no worry, heto na ang mga pwede mong gawin:

Una, mainam lang ang paghingi ng ‘excuse me’ sa date mo. Huwag tangkahing sabihin:

“Narinig mo ba?”

Aminin ang kapalpakan at magdasal na hindi ka ibubulgar sa mga kaibigan niya. Ang pinaka-pangit na lang na mangyayare dito ay hindi ka na kikibuin dahil turn off daw. Huwag mag-alala marami pang iba diyan.

Pangalawa, pag tumawa ang date mo at tuluyan kang inasar hangga’t naihatid mo siya o ka niya sa bahay, maki-ride on na lang. Walang masama dito. Maliban na lang kung abno siya at hindi umuutot. Pero asahan mo na pagdating ng lalake o babae sa bahay niya at nakaalis ka na,tatawa siya ng walang humpay. Kulang na lang eh gumulong siya sa papag sa katatawa. At tuwing makikita ka niya, hindi niya makakalimutan ang naging pangyayare. Isipin mo na lang na okey lang yun dahil kakabagin siya at uutot din siya sa huli. Nasa iyo ang huling utot… este halakhak.

Pangatlo, pag ang utot mo eh narinig ng buong baywalk at hindi lang ang date mo, huwag nang magpakita sa baywalk. O kung malakas pa rin loob mo, magliwaliw pa rin kahit na alam mong pinagtatawanan ka na sa likod mo. Maaari ding gumamit ng maskara sa susunod na dalaw o kung may pera na ekstra, pumunta lamang sa inyong pinakamalapit na Bello clinic.

Pang-apat, sabihin sa date: “Grabe naman yung mga bangkang yan… kung rumampa sa tubig eh parang umuutot”. Epektib lang ito pag alam mong medyo slow yung ka-date mo at hindi nakakaamoy.

Pang-lima, pag mabaho ang utot, mainam na mag-spray ng cologne (kahit anong brand) o kung sobrang baho itutok ang butas ng spray sa ilong ng date para may fast and immediate effect. Kung ikaw ay laging may tendency na magpalaya ng nabuong gas sa iyong bituka, dapat laging magbitbit ng mga aerosol cans na may iba’t-ibang mabangong amoy. Dapat hindi ka aalis ng bahay na wala ito.

Pang anim, sisihin ang katabi niyong nagde-date rin na siya ang umutot. Dapat deny to death ka. Sabihin sa ka-date, “Hindi ako yun! Peksman! Mamatay man! Kros may hart! Hop to day! Siya yun! Siya yun! Hindi ako!!! Ako?!?! uutot! No way man!”

Pang pito, sisihin ang date na siya ang nag-release ng utot. Humandang sanggahin ang pwedeng i-deliver na suntok sa mukha mo.

Pang walo, sabihin sa date, “Ay! May message pala ako!”. Sabihing message alert tone ng selfon mo ang prrooooottttt… prut! prut! At ito ay nasa .wav format or .mp3 format at pwede mong i-bluetooth kung sakaling gusto niyang magkaroon din ng ganitong ring tone dahil wala ito sa Greenhills.

Pang siyam, pilit na takpan ang ilong ng ka-date na parang hinoholdap siya. Tapos sabay bulong, “I love you and I’ll never let you go [insert name here]” Saka na lang pakawalan ang higpit ng iyong hawak pag nawala na ang amoy.

Pang sampu,tumalon sa tubig at lumangoy hanggang makarating sa Cebu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: