The Condom Boy

8 Aug

Current mood ni SQ: Tsismosa

Required sa isang Pharmacy student ang pag OJT sa isang botika. Nung 3rd year ako sa Saint Louis University, na-assign ako sa isang botika malapit sa Baguio General Hospital.

Hindi ko makalimutan ang botikang iyon dahil bukod sa utusan ako dun, (taga-bili ng pagkain ng may ari, taga bili ng pagkain ng anak ng may ari, taga bili ng pagkain ng asawa ng may ari… gets niyo? Runner. Sweeper. Inventory-er.- ngak! tama ba yan) maraming nakakatawa, weird at agresibong mga mamimili.

Pero ang hindi ko makalimutan at tuwang tuwa akong ikwento sa mga kapwa ko drug lords (yan ang mga tawagan namin bilang pharmacy students) ay ang pagbili ng isang binata ng condom sa akin…

Mula alas-tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabi ako naka-OJT dun. Isang ordinaryong araw yun. Mga dakong, alas-nuwebe, may lumapit na isang binata. Pansin ko, ubo ng ubo at tumutulo ang pawis. Malala siguro ang sakit neto, sabi ko.

Tulo pawis yung binata, na parang tumakbo sa isang marathon. Sa lamig ng gabing iyon, hindi ko alam kung bakit siya pinapawisan. Either ninenerbyos siya o natatae na siya. Siguro, konting ubo na lang niya, lalabas na ang 1/4 ng dumi niya at bibitin na hanggang maka u-u siya. Medyo nanginginig din. Dahil siguro sa lamig.

Nakita ko rin ang sasakyan na pinagbabahan niya. Isang taxi na may nakasakay na babae. Sigurado ako hindi niya girlfriend yun. Kasi mukhang nanay na. (May naririnig ba akong age doesn’t matter diyan) Pero todo get-up ang babae sa taxi para mabansagang nanay ng binatang iyon. At kapal-to-the-max ang make up na hindi umayon sa kanyang skin color. Konti na lang, clown na siya. Ala-bangkay ang make-up. Naka tight-fitting jeans siya at naka plunging neck line blouse na kulang nalang eh areola na ang makikita.

Tama ba ang hinala ko? O guni-guni ko lang? Nanay niya kaya yon?

Balik sa binata…

Sabi ko sa sarili ko, bibili siguro ito ng cough syrup o isang anti-pyretic.

Pumunta siya sa bintana kung san ako naka-istasyon, at sabay bulong:


Binata: Ate, pabili ng ehem-ehem-ehem… #$#$%om….
SQ: Ano?

Binata: (Konting taas ng boses) Con### ahem-ahem %^%^&%#;%ili.

SQ: Ano?

Binata: (Medyo nilakasan) Pabili po ng condom.

Que barbaridad! Gamot nga! Condom?! Naku! Cough syrup ha! Di ko inasahan yun ang bibilhin. Ang inakala kong gamot sa kanyang nararamdaman, ay isa palang artificial contraceptive na kadalasang ginagamit ng mga lalake at nakatago sa wallet nila. Kumbaga, parang American Express card na ‘Don’t leave home without it!’ O di kaya – boyscout: laging handa! (pano mo yun alam SQ ha!)

Siguro first time ng batang itong bumili ng condom sabi ko sa isip-isip ko.

Ganon ba talaga ang mga lalake? Pag first time bumili ng contraceptive eh pinagpapawisan at biglang nagkakaubo? Kaya pala mabili ang Robitussin ngayon eh.

Maliwanag sa isip ko na ayaw niyang malaman ng ibang tao na bibili siya nun. Nahihiya ang kawawang binata. Kung iisipin niyo, nakakahiya nga naman bumili. Kung ako tatanungin kung makakabili me ng condom nang ganun ganun lang, ehm… sekret.


SQ: Sige, sandali lang.


Pumunta ako sa likod ng botika kung san nakatago ang stock namin ng mga condom. Kukuha na sana ako ng isang TRUST condom sa kahon nung natanong ko sa sarili ko kung ano ang flavor na gusto niya.


SQ (sumigaw): Anong pleybbbooorrr?


Hindi yata niya ako narinig…


SQ (sabay lapit sa binata): Anong pleybor?

Binata: Ha? May pleybor yan ate? Kahit ano na.

Kahit ano na? Que barbaridad! Hindi ko alam ang ibibigay ko sa binata. Sa dami ba naman ng choices, ako pa ang ginawang papiliin ng pleybor ng condom… Banana, strawberry, chocolate… (ano pa ba meron – ay oo mint)

Inabot ko ang chocolate flavor TRUST condom sa binata. Ewanko kung bakit ko kinuha ang flavor na yun. Siguro dahil andami naming stock nun. O di kaya peyborit ko ang tsokolate. Pero hindi sa condom siyempre (SQ: bakit ba may flavor ang condom?).


Binata: Ate, dalawa po.


Que barbaridad! Dalawang ‘gamot’ pa ang hinirit ng binatang to!

Daliang nagbayad at nagmadaling sumakay sa taxi ang binata. Kasama ang kanyang dalawang ‘cough syrup’.


“Bakit may Pleybor ang Condom” at iba pang mga condom-related entries🙂

SHOUT-OUTS!

>> Thank you po sa mga nagkomento sa mga bagong post ko🙂 Balik po kayo! :

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: