Pagbibigay ng Payo

7 Aug

People who ask our advice almost never take it. Yet we should never refuse to give it, upon request, for it often helps us to see our own way more clearly.
~ Brendan Francis

Hindi ko alam kung bakit marami akong kaibigang humihingi ng payo sa akin.

Mapa-love life, mapa-gadgets, mapa-boyfriend-related-topics, at maniwala man kayo o hindi, pati sex life…

Siguro mukha akong isang mabutihing Psychiatrist o guidance counselor sa isang eskwelahan. O baka naman nakita na nila ang mukha at wrinkles ko – guhit ng mga napagdaanan ko na sa buhay.

O dahil magaling ako makinig. O mabait lang ako. Naks. Is dat tru!

Naalala ko nung first year college, lumapit ang isa kong kaibigan. Meron daw siyang nililigawang babae na dinededma lang siya. So ang inadbays ko sa kanya eh magdala siya ng bulaklak at tsokolate sa next miting namin sa klase.

At nung araw nga na yon, nagdala ang aking kaibigan ng isang malaking bouquet at Ferrero Rocher na tsokolate. Ako ang nag-adbays sa brand na bibilhin para kung sakaling ayaw nung babae eh hihingiin ko na lang. Peyborit ko yan eh.

Palakpak at hiyaw ang narinig sa klase namin nung binigay niya ito sa babae. Okey lang naman ito sa propesor namin. Tuwang-tuwa at kinikilig din. Nakiki-ride…

Umasa kaming magiging sila rin pagkatapos ng ilang buwan o linggo o araw pagkatapos nun. Pero sa kasamaang palad, basted pa rin siya.

Lumapit muli sa akin, umiiyak.

Ate She ano gagawin ko. Eh ginawa ko na lahat. Lagi ko siyang sinusundo, nililibre… Huhuhu!

(Hindi niya actually sinabi HUHUHU, epek ko lang yun)

Sabi ko sa kanya, kung ayaw ng girl at pinapakita niya ang mga yan sa yo, mas maigi yata na itigil mo na. Kasi, wala kang mapapala. Nagpapakahirap ka na nga, wala pa rin siyang naa-appreciate sayo. Marami pang babae diyan at first year pa lang tayo. Malay mo, pag fourth year tayo, meron na…

Kinabukasan, ibinalita ni Ma’am sa amin na uminom ang kaibigan ko ng cough syrup at itinakbo sa hospital. Pero siyempre nabuhay siya.

Ang reaksyon naman ng girl… (sinabi ng kaibigan ko nung nakausap ko siya) “Nagpakamatay ka na nga, cough syrup pa! Muriatic acid na lang kaya. Dun! Sure dedo ka!”

Ang sama nung babae. Gusto ko siyang i-karate, i-taekwando… Lahat na ng martial arts. Kahit arnis. Kala naman niya sobrang ganda niya. Mas maganda pa nga ak…. (never mind! Nyahahahaha! Kapal ko talaga…)

Pero sa huli, binigyan ko ng payo ang kaibigan kong itigil na ang panligaw sa babaeng yon.

Ang punto ko lang dito, pwede tayong magbigay ng payo, pero tandaan natin na sa huli, yung tao pa rin na iyon ang magdedesisyon.

Mahirap magbigay ng payo. Ako nga kung minsan, sarili ko, hindi ko mapayuan eh. Naiinis ako sa ugali kong to. Kung minsan kasi, alam ko na ngang tamang gawin, eh hindi ko pa rin ginagawa. Ganon talaga ang pag-ibig. Naks.

Ang natutunan ko sa pagbibigay ng payo:

  • Huwag magbigay ng payo kung hindi ito hinihingi.
  • Huwag magbigay ng payo para lang mawala sa pagmumukha mo yung tao at hindi ka na kukulitin.
  • Huwag magbigay ng payo ng magpakamatay na lang siya.
  • Huwag magbigay ng payo na ikakahamak ng tao.
  • Maging maingat sa pagbigay ng payo sa taong nababaliw na sa BF/GF.

At pinaka-okey na natutunan ko, magbigay ng payo pagkatapos mong dinggin lahat ng istorya. Tama lang ang makinig. Huwag mung ipilit na sundin ng tao ang payo mo. Hayaan mo siyang gumawa ng sarili niyang desisyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: