Balahibong Pusa

2 Aug
Sa isang Catholic all girls school ako nag-high school. So as expected, isa akong banal na estudyante. Dasal dito. Dasal don. Linis dito. Linis don. Aral dito. Aral don. Tahi dito. Tahi don. Lahat na yata ng gawaing pang madre, nagawa ko. Ewan ko lang sa iba ha. Pero goodie-goodie talaga ako ng high school.

Ewan ko lang kung anong nangyare sa akin nung college.

May isa akong hindi makakalimutan nung highschool…

Isang araw, bigla na lang naisipan ng barkada na manood kami ng bold film. Sa bahay namin. Eh ako, ayaw ko namang tumanggi dahil baka ma OP (out of place) ako sa mga barkada at masabihang isang KJ (killjoy).

At saka gusto ko rin ma-try. Kumabaga, virgin pa ako sa mga bold/ porno na mga yan. Bibinyagan nila ako. Kahit na mas matanda ako sa kanila noon, sila ang namilit na it’s time na daw para ako’y mamulat sa mundo ng ganoong mga pelikula. Kung noon eh hanggang comedy lang ako at sci-fi, now it’s time daw na R-18 naman.

So after school, pumunta kami sa Session Road para mag-rent ng CD sa ACA video. Sa kamalasan ko, naiwan ng aking barkada yung card niya at ako na lang ang tangi nilang pag-asa para mamulat sa mundo ng bold. Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang mga yon dahil matampuhin sila. Nag-isip ako ng mga pwedeng excuse na huwag yung card ko ang gamitin. Dahil nagshe-share kami ng tatay ko. Naisip ko kasi, baka malaman niya na ang anak niya ay may itinatagong pagnanasa na manood ng porno.

Yari ako dun kung sakali mang mangyare yun.

Pero hindi talaga ako nakatanggi dahil bumili na ang barkada ng Oishi, Nova, Piatos, at Lala with matching suka.

Pumasok kaming lahat sa ACA video… Ako, half-excited, half ninenerbyos. Half-wise. Half tanga. Pumunta kami sa ADULT section.

Nanlaki mata ko sa mga nakita kong CD covers at mga title. Kahit na may saplot pa ang mga yun. Hindi nakayanan ng powers ko ang mga naka bra at panty lang na mga babae ng Playboy. Ang mga “Jenna does New York”, “How to liven up your sex life”, “Sutla”, “Talong”, “Kama Sutra”…

Que barbaridad. Title pa lang! Ulam na! May “Sayote” na kayang bold film. Kung wala, ahem… gagawa tayo. Que barbaridad!

Namili ang mga kasama ko ng isang bold film… kung san starring si Rica Paralejo… Balahibong Pusa. Que barbaridad. Parang pilit kong tinatanggihan ang CD. Ayaw ko, natatakot ako.

Kama Sutra na lang…

Pero, since mabait ang Sayote, Balahibong Pusa ang nirent namin…

Nung araw na yun, maraming tao dahil Biyernes. Kaya pilit ko pang tinatago ang CD at pinapasa sa mga kasama ko dahil nahihiya ako. Eh ayaw nila… Pinagtatawanan nila ako. Since ako daw ang may card, ako daw ang hihiram, magbabayad at magpapahiya ng sarili ko.

Binigay sa akin ang pera. Kinuha ko ang card sa wallet kong Kerokerokerokeropi. Nakipila ang sayote.

Nagpasalamat ako sa Maykapal noon dahil wala akong kasamang nagbabayad. At nagdasal ako na walang tatabi sa akin sa counter.

Pero hindi yata narinig ng Diyos ang dasal ko. (Sayote Queen kumakanta : Natuuu-tulog ba ang Diyos, natutulog ba…..) After isang minuto, que barbaridad! May tumabing dalawang binata sa akin… Pinagpawisan ako ng malamig… Ang bagal naman kasi ng nag-aayos ng nirent naming bold.

Sabay hirit, “Ma’am, you rented Balahibong Pusa, this will be due after 2 days…” Buti sana kung mahina lang ang boses niya. Pero hindi eh, parang nagtitinda ng sili sa palengke.

Tumawa ng malakas ang dalawang lalake sa tabi ko.

“Tol, balahibong pusa oh…”

Nagtinginan kami ng mga lalake. Ano kaya dumaloy sa mga isip nila?

Ako? Gusto ko ng maglaho bigla para hindi na ako mapahiya lalo. Gusto kong i-madyik ako ni David Blane papuntang Zimbabwe.

Kinwento ko ito sa mga barkada ko at ako’y tinawanan hanggang sa bahay… Que barbaridad.

Wala na tuloy akong ganang manood ng Balahibong Pusa. Pero after 1 minute, may gana na ako.

One Response to “Balahibong Pusa”

  1. Jackson January 3, 2007 at 9:23 pm #

    \”Creative minds have always been known to survive any kind of bad training.\” – Anna Freud

    It flashed in my mind when i looked at this blog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: