Uso Noon at Ngayon

24 Jul

Namulat ako sa mga kanta nila Gary Valenciano, Simon and Garfunkel, Eagles, Deep Purple, Madonna, Olivia Newton John, Carpenters, Abba at Stars on 45 nung bata pa ako. Dahil mahilig ang tatay ko sa musika, na-expose ako sa mga lumang tugtugin na yan. Pero hanggang ngayon, pinapakinggan ko pa rin yan. May folder ako sa MP3 collection ko na “OLDIES”. Diyan nakabaon ang lahat ng mga lumang tugtuging binabalikan ko pag gusto kong magtrip at magsenti at sumayaw ng disco dito sa apartment mag-isa…

Kung sa porma, namulat ako sa mga RayBan shades na muling binabalik sa uso ngayon. Paboritong accessory yan ng tatay ko. May tatlo siyang ganyan. Siguro nauso yun sa Saudi nun kaya nakisali ang tatay ko sa bandwagon. Mainit nga naman dun at hindi ako magtataka kung kinailangan nila ng isang dosena. Ang alam kong nagpauso nito eh ung movie na TOP GUN kung saan starring si Kuya Tom Cruise.

Kaya ko ito sinusulat ngayon eh na-inspire ako sa post ni Ka Uro.
Dito, may mga pictures siya nung binata pa siya. (O binata pa rin ngayon?) Ganyan na ganyan din ang mga get-up ng tatay ko nun. Para sa akin, pinaka-groovy at cool ang panahon nila nun. Andaming bago sa mundo, andaming movements, andaming ideas na lumalabas, maraming radikal na tao…

Ang mga bellbottom ay na-design para sa mga naval sailors noon. Ito ay upang madaling matanggal ang kanilang sapatos kung sakaling may emergency situation. Ang galing talaga ng tao… Ngayon, kelangan na rin sigurong umimbento ng blouse na maluwang para madali na lang tanggalin ang bra.

Patok na patok ang mga bell bottom nung dekada 70 lalo na sa mga Hippie. Ito ay isang pisikal na anyo ng pagrerebelde sa kanilang mga magulang na ang tanging sinusuot lang eh mga staright cut.

Nauso na naman ngayon ang mga ito pero hindi na sing-luwag sa baba. At ngayon, boot cut na ang tawag. Alam ko pag nagsuot ka ng bellbottom na singluwag ng bewang mo ang baba niya ngayon, pagkakamalan kang sira, jologs o pupunta sa isang halloween party.

Noong mga 1960-1970’s, nauso din ang mga AFRO haircut. Ang sarap sigurong maging unan ang mga ito… Parang cotton candy na binibili sa kalye. Mahirap daw ma-achieve ang look na ito. Ang unang nagpauso nito ay sila Michael Jackson, Sly Stone, Angela Davis. Sinubukan kong i-try sa mukha ko sa isang online beauty site kung bagay ko ang afro haircut. And what do you know, kamukha ko si Carlito ng WWE. Bagay ko pala. Naging gwapo pa ako… Naging COOL pa ako…

Pilit akong naghanap ng picture ng tatay ko na may afro look. Pero hindi na yata naabutan yun. O deny to death lang siya dahil ayaw niyang mapahiya at mapagtawanan ng anak.

May isa pa akong naalalang uso noon.. Yung mga spandex clothing. Sila Olivia Newton John, Freddie Mercury at iba pang mga hard rock na mga banda nun ang naaalala kong nagsusuot nito. Kung hindi ako nagkakamali, sa isang kanta ni Olivia Newton John na Let’s Get Physical, nakasuot siya ng spandex. Usong uso to nun. Pero never akong magsusuot niyan dahil pag nagsuot ako niyan, magmumukha akong imbutido.

Usong-uso din ang mga sideburns noon. May picture ako ng tatay ko kasama ang mga kaklase niya nung college, na ngayon eh mga kumpare na niya… Hanep sa mga sideburns. Parang everyday kinokorte at nilo-lawn mower ang mga ito. Siguro ang pinaka-sikat na personality na may sideburn eh si Elvis Presley… (You aint nothing but a hound dog….) Note: Hindi yan ang picture ng tatay ko.

Ang pinakagusto ko sa mga get-up nung panahon ng tatay ko eh yung mga T-shirt nila… Yung masikip. Gaya nung kay Ka Uro. Ang ganda kasing tignan sa lalake. Pero parang ang hirap ternohan ng mga tipo ng jeans ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: