Aso Time

19 Jul

Hindi rin ako mahilig sa aso noh? Hehehe. Kaso nasa Baguio silang lahat. Pag umuuwi ako dunang sumasalubong lang sa akin eh si Princess at Prince. Yung ibang aso eh nakatali. Kasi, naiinis Nanay ko. Masyado daw magulo at kung san-san nagji-jingle at ume-ebs. Ilang sapatos na rin ng Nanay ko ang sinira nila.

Ito po ang aso kong si Sandy. Isa siyang Labrador. Nakuha ko ang pangalan niya sa Spongebob Squarepants na favorite cartoon ko. Oo kahit na 24 na ako eh mahilig pa rin ako sa mga ganun. Bakit tanong niyo? Dahil gusto ko si Spongebob. Dahil sensitive siya at mabait at makulit siyempre. Pero bakit siya ang pag-uusapan natin… Kaya heto si Sandy. Say hello Sandy (Sandy: woof! woof!)

Ito naman po si YURI. Ang pinaka paborito ko. Kasi siya ay makulit. At napakaliksi. Siya ang pinakamagaling mang-sira ng sapatos sa angkan ng mga aso ko. Kaya ayaw siya ng Nanay ko. Madalas kong ilakad si Yuri sa amin tuwing umaga. Imbes na ako ang humila, ako ang hinihila niya. Lakas niya. Siya rin ang pinaka-sikat dahil pag nilalakad siya, andaming lumalapit para laruin siya. Hehehe. Pati pulis lumapit. Akala ko may kasalanan ako.

Ito naman si Princess. Isa siyang shih tzu. Kahit maliit yan. Matapang yan. Makulit siya. Ewan ko ba kung bakit Princess ang binigay na pangalan sa kanya. Si Nanay kasi makaluma pagdating sa pagbigay ng pangalan sa aso. Ang mga tipo niyang mga pangalan ng aso eh Blackie, Hitler, Rizal, Sheena, He-man… Gusto ko nga sana eh Queen Amidala. Sabi ng nanay ko mahirap daw tawagin ang aso pag ganun ang pangalan. Pati ba naman laway, tinitipid ng nanay ko?!?!?

Pero napagtanto ko kung dalawa man ang pangalan ni Princess – mahirap nga namang tawagin.

Nanay : Shooooo! Queen Amidala! Shoooo!

Nanay : Queen Amidala! Kain na! Kain na! Queen Amidala!

Nanay : @#$@$#@! Queen Amidala halika nga dito!!!

Kung may Princess, eh di may Prince. So ito si Prince. Ang kapatid ni Princess. Ang gusto ko sanang pangalan ni Prince eh Patrick. Kaibigan ni Spongebob.

Kaso may Tito yata akong pangalan ay Patrick.

Kaya ayaw ni Nay.

May tanong ako, pwede pa silang magka-anak kahit na magkapatid sila? Sabi kasi noon ng breeder pwede. Pero hanggang ngayon di pa rin sila nagkaka-anak eh…

AMBOY. Yan ang pangalan ng aking PITBULL. Tuta pa lang siya nasa akin na siya. Puting puti siya. Kaya nagustuhan ko. Ngayon, malaki na siya. Hindi na kami masyadong nagba-bonding. Hindi na rin inaalagaan masyado ng Nanay ko dahil natatakot siya. Lahat nga ng tao sa bahay sa Baguio eh takot sa kanya. Naaawa tuloy ako sa kanya.

Tapos alam niyo ba, lagi na lang siyang hot.

Ready for a girlfriend na siya.

Pruweba? Basta. Alam niyo na yun. Pag nakikita ko siya…

Lage na lang pula yun. Basta.

Posted by Picasa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: