Utot… Explained

16 Jul

Aminin mo. Umuutot ka. Kung hindi ka aamin, hmm… normal ka ba? Tao ka ba?

Sa isang lengwahe, meron at merong salita para sa UTOT.

Unahin natin sa english:

  • flatus
  • fart
  • the gas
  • aerosolized stool
  • anal acoustics
  • anal oxide
  • anus evacuation
  • arse blast
  • booty cough – umuubo pala *dun* — kelangan ng Robitussin
  • bork – ito daw ay ang utot na naririnig pag umuutot sa tubig. Madalas nangyayare sa mga swimming pool o beach.
  • butt bomb
  • colon cologne
  • explosion between the cheeks – hindi yan cheeks sa face
  • fannitosis
  • rambunctious rectum – hmmm… parang pangalan ng blog ah! astig
  • silent killer –> personal favorite ko to hehehe
  • aftershocks – mga utot daw na sumusunod pagkatapos ng isang malaking utot. example: prroooooottt… prut! prut!

Sa mga Intsik naman, chou pi daw ang tawag.
Pwede ring fang pae/ fang pi.

Sa Spanish eh foyon.

Sa dami-dami ng pwedeng itawag sa utot, tingin ko pinoy pa rin ang pinaka-creative sa pagbigay ng pangalan sa mga nakakatawang bagay.

Sa Tagalog, syempre utot.

Sa Ilokano, Ut-tot.

Kung slang terms naman, DIGLOW ang tawag sa utot. Meaning, dighay sa low (sa baba). Hindi ko alam ang iba pang bansag sa isang ga-as na pilit nating nilalabas araw-araw.

Pero napa laking eskandalo ang nangyayari tuwing may umuutot.

Nitong Friday lang, sa management class namin, may umutot ba naman. Anak ng kalabasa! Sa sobrang pagka-bored ko sa class, halos makatulog na ako sa upuan. Pero nang na-release ang ga-as, parang nabuhay ang dugo ko. Nagising tuloy ako! Siguro nagkaroon ng chemical reaction ang gas at dugo ko, ewan ko lang.

gas + hemoglobin component of blood –> decreased oxygen concentration, compensatory mechanisms activated!

Nagtatawanan ang mga tao sa likod ko. Pinapaypayan nilang palayo sa kanila ang ga-as na nagpabuhay bigla sa klase. Pinapaypayan nga nilang palayo sa kanila pero papunta naman sa amin.

Double anak ng kalabasa.

Kinontra ko sila. Nilabas ko ang aking notebook at dalian kong pinaypay palikod ang hanging biglang nag-eskandalo. Siguro yung unang nag-react, siya ang umutot. Ewanko lang.

Mga mambabasa, ayon sa aking pagkakaalam, ang utot ay may nilalamang iba’t-ibang gas.

Ito ay ang nitrogen, carbon dioxide, oxygen, methane, and hydrogen sulfide.

Imagine, sa isang utot na yun, andami na palang chemical components! No wonder kelangan nating ilabas! Kundi malalason katawan natin. At since my oxygen, ibig bang sabihin eh pwede nating langhapin in case of emergency?

Ang nangyayare pala sa utot, peeps, eh ganito. Sa ating araw-araw na gawain eh may nalalanghap tayong air. May mga kinakain din tayo na hindi o nahihirapang i-digest ng tiyan natin. kaya ang nangyayari dito eh naiipon ito sa tiyan.

At ang EXIT lang ng gas na ito ay ang ating *ahem*.

Eh pano yung mga silent na utot? Pano din ang mga malalakas na utot? Ang lakas o hina ng utot ay nakasalalay sa butas ng ating wetpu. Pag ito ay tight, malamang, mahina lang ang utot. Dahil pakonti-konti ang lumalabas. Pag ito ay maluwang na, mas maingay dahil mas dadami ang vibration.

Ang nagpapabaho ng utot ay ang HYDROGEN SULFIDE.

Kung familiar ka sa sulfur, alam mo pag nasunog yan eh ambaho ng amoy. Nasubukan ko ng magsunog ng sulfur sa laboratory sa Pharmacy noon. Anak ng kalabasa! Magmula nung lumabas kami sa laboratory hanggang makasakay ako sa jeep at makauwi, amoy na amoy pa rin ang nasunog na sulfur sa damit ko. So kung mahilig ka sa mga pagkaing maraming sulfur, pare, lumayo ka sa akin pag umutot ka!

Natanong ko na rin sa sarili ko bakit may DELAY ang mismong pag-utot, sa oras na naamoy natin ito. Siguro, dahil sa variable diffusion ng gas sa air. Kelanganng mag-travel muna ang molecules bago makarating sa atin.

Kaya kunwari, nasa SM ka, utot ka muna sa toy section, tapos dalian kang pumunta sa ladies wear.

Sabi ng teacher ko noon sa Biochemistry, pag mahilig daw ang tao sa pagkain ng protein-rich foods, mas mabaho daw ang utot nila kung ikukumpara sa mga taong mahilig sa mga gulay lang. Ang mga pagkaing may protina ay mga karne, isda, gatas, cheese, atbp. Kaya kung mahilig ka sa mga pagkaing ito… Magdala ka ng cologne.

Isaalang-alang:

  • Mga lalake, kung may nagsabi sayong babae na hindi siya umuutot! Huwag mo ng ligawan. Malamang alien yan o isa siyang sinungaling.
  • Ang average times na pag-utot ng isang tao eh 16 to 20 times per day. Kung san kayo umuutot, bahala kayo.
  • Kung may mga sleep over kayo sa mga bahay ng barkada niyo, tiyakin na may loud music sa background. Ang utot ay kadalasang lumalabas pag tulog tayo. Mag-ingat ang mga mahilig sa one night stand! Baka marinig ito ni partner.
  • Pwedeng maging flammable ang utot basta maraming methane at hydrogen ang utot. Lumayo sa lighter pag umuutot. Lumayo sa yosi pag umuutot.
  • Umuutot din ang mga artista. Pati ang mga politiko. Basta buhay ang tao. Umuutot.

One Response to “Utot… Explained”

  1. johannah January 12, 2008 at 6:20 pm #

    hi ang ganda naman ng explanation mo tungkol sa utot ang galing nakakatawa. two thumbs up para sayo. hehehe nice.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: