Ang Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

9 Jul

Sa naunang entry ko pinag-usapan ko ang undies ng mga babae. Ngayon naman, ang mga undies ng mga lalake. Mas maganda yatang pag-usapan ito dahil mas maraming ebolusyon ang nangyare sa larangan ng kanilang saplot.

Warning!
Gagamit ako ng mga images dito na hindi para sa mga inosente at mga bata. Kaya tumuloy ka pag 18 years old and above ka lang ha. Walang dayaan.

Ako po ay 18 years old pataas ayon sa certified true copy ng birth certificate ko… Peksman! Mamatay man! I swear! Cross my heart and hope to die!

Namumuhay tayo ngayon sa isang komplikadong mundo. Kung noon eh simple lang ang pinagpipilian nating mga produkto, ngayon, napakaraming pagpipilian. Kung minsan, sa sobrang dami, hindi na natin alam kung ano ang dapat bilhin.

Hindi na natin pwede mabalikan ang mga araw na ang mga saplot ng lalake ay may isang klase lang. Puti na brief. Period. Yung mga classic na Hanes, na tingin ko pinaka-normal pa ring gamitin ng mga lalake.

Ngayon, sa pagsasaliksik ko sa internet, marami na rin pala ang uri ng mga underwear panglalake. Yung iba, praktikal at ang iba naman ay parang comedy. Hindi ko mawari kung bakit kelangan ang mga ganitong underwear. Pero since itong entry na ito ay tungkol sa ebolusyon ng mga underwear ng lalake, ipapakita ko pa rin ang mga pictures ng mga kakaibang undies.

Akala ko, mapapaliwanag ko ang ebolusyon ng underwear ng lalake. Pero, mali pala ako. Mas napatanong pa ako. Lalo akong naging curious…

Una, ang boxers. Para sa akin. Yan ang pinaka normal na nakita ko maliban sa briefs. Ito lang ang mga nakita kong ‘okay’ sa panlasa ko. Buti na lang naimbento yan. Dahil sa popular ang mga boxers, merong mga kompanya na tumatanggap ng services para lagyan ng prints ang mga plain white boxers. Tignan niyo na lang ang halimbawa sa baba. Kung fan ka ng Da Vinci Code at sobrang naaaliw ka dun, pwede mong palagyan ng print ng “Mother and Child” ang boxers mo.

No problem yan. Normal pa rin tignan di ba?

Ang pangalawang uri ng undies ng lalake na nakita ko eh ang thongs. Pati rin pala lalake may thongs na. (She nagtatanong: Hindi po ba yan masakit sa inyo?)


So ayan ang thongs para sa lalake. May nagsusuot ba talaga niyan? Para saan yan ginagamit? Gaya ba ng babae na kung nagsuot ng thongs eh dahil tight yung pants niya?

Hetong thong na to, eh dapat pandagat lang. Pamingwit ng bangus at tilapya sana, ayon sa pangalan niya. Pero nagulat ako, pati pala net, meron na rin sa lalake? Hindi kaya babakat?


Ang larawan naman sa baba eh ang pinaka weird sa mga thongs na nakita ko. Ewan ko, may patali-tali pa kayo. Walang ganyan sa mga babae (yata). Kaya okay to. Ewan ko kung bakit may tali papunta sa likod.. Pang added support ba? O pang-lift?


Leather shorts. Ok din pala sa inyong mga lalake ang leather na undies. Iniimagine ko kung anong lagay niyo pag ganun eh… Lalo na pag pasmado ang isang lalake… Nung nakita ko ito, naisip ko yung mga video games sa PS2 nun na psycho ang nakasuot. Nakalimutan ko na ung pangalan ng game na yun pero ganitong-ganito yung suot niya at meron siyang pamalo.

Pouches. Ito ang mga pinaka weird na nakita ko. May pouch na pala kayo. Parang pwedeng lagyan ng barya pampamasahe sa bus. Aliw ako dito. Andaming characters. Magkakaroon na rin kaya ng Philippine Pouch? O di kaya kambing pouch? O tarsier pouch?

Kung kangaroo pouch ba dapat dalawa ang pouch niya. Isang malaking pouch at may mini pouch?

Pang militar lang ba to? Pwede rin ba to sa navy?

Pang bad-boys lang ba to? Pano kung good boy? Pwede pa rin ba niya itong isuot?

Bumubuga ba ito ng apoy? Kung oo, ano ang fuel source niya? Uling? Diesel? Unleaded? LPG?

Kumakagat kaya ito?

Kalahi ba ito ng Philippine carabao? May carabao’s milk din ba ito?

Kasama ba ito sa isang Formal wear pag may mga debut o wedding? Kung semi-formal, pwede ba itong isuot?

May Mrs. Groucho ba? Kung meron man, nasa panty din ba siya?

Nagdedeliver din kaya ito ng baby? (she:malamang!)

Tik-ti-laok!! Tik-ti-laok! Pang-sabong din ba ito?

Akala ko ang pangalan ng pouch na ito ay Origami.
Naging starring ba ito sa Batman? Mamamatay ba ito sa mainit na panahon?

Kelangan bang sumaludo? 50 stars ba ang nakalagay sa pouch? O ni-reduce?

Akala ko Elephant pouch ito. Yun pala Mr. Peanuts. Uuuuuyyy… May relasyon…. Uuuy…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: