Kopong Kopong Technology

4 Jul

Naka-chat ko ang tatay ko nung isang araw. Gumamit kami ng Skype. Nasa Africa sya ngayon. Nakaka-aliw talaga ang panahon ngayon. Kung noon eh snail mail lang ang ginagamit, o morse code, o telegram, o anong uri ng komunikasyon, ngayon eh iba na. Ngayon, kahit na san dako ng mundo pwede mong makausap ang sino mang tao.

Salamat sa teknolohiya.

Kung noon, puro mga love letters, pasahan ng maliliit na papel na may laman na “Crush kita”, ngayon eh gamitin mo lang ang hinlalaki mo, at BEEP! BEEP! Andun sa LCD screen, “CRUSH KITA” Sender +63917…

Wala na sigurong makakatalo sa bilis ng pagkalat ng tsismis pag nadaan sa text. Ang Pilipinas nga pala ang numero uno pagdating sa pag-gamit ng SMS o text – sa buong mundo. Kung noon eh kasing bilis ng pagong. Ngayon, kasing bilis na siguro ng asong nanghahabol at may rabies. Ang masama niyan, andaling kumalat ng maling impormasyon lalo na pag naabuso ang text. Lumalabas ang mga scam. Ite-text nila na nanalo ka daw ng ilang milyones. Pero utot lang pala yun. Huwag ka nga palang basta basta maniwala sa ganun. Tingin mo sa hirap ng panahon ngayon, may magbibigay ng pera na ganung kalaki ng ganun-ganun lang? Sus ginoo!

Sa panahon ngayon, wala na yata ang mga nagsusulat ng love letters o nagbibigay ng cards. Halos lahat na ng klase ng panliligaw eh dadaan na sa text, sa computer o ano mang hitech na bagay. Maliban na lang siguro sa MP3 player.

Noon:

Lalake : Maria, pwede ka bang puntahan sa bahay niyo para manligaw?

Maria : Huwag! Magagalit nanay at tatay ko!

Lalake : Manliligaw pa lang naman eh. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan lang na gusto kita. Papaliguan ko mga baboy niyo, mga kalabaw niyo. Pati si Tagpi eh aalagaan ko.

Ngayon:

Lalake : Hi, can I have your number?

Babae : Oh sure! Landline? Or CP?

Lalake : Uhm.. both?

Babae : Ok then… I have my email too if you want, and my IM username or my ICQ number, or my website. You can drop me a line. You can also beam your picture into my Bluetooth device so I can remember you.

Hanep talaga sa evolution ang mga tao.

Kung noon, singlaki ng mga aparador ang cellphone, ngayon naman, paliitan, panipisan, pagaanan. Hindi na yata titigil ang paglago at pag-evolve ng mga gadgets sa mundo. Ang mga cellphone ngayon eh may iba’t-ibang porma. Pero iisa lang naman kung tutuusin ang ginagawa. Nasa porma at features kasi ang basehan ng pagbili ng cellphone.

Hindi ko na maisip kung ano pa ang pwedeng idagdag sa mga cellphone ngayon. May camera, may video recorder, may MP3 player, 3G, Wifi, EDGE, GPRS, WAP. Kulang na lang, lagyan nila ng heat activators para maging plantsa ang cellphone. May cellphone na ring may flashlight. May cellphone na rin na pwede maging remote. May dapat ka lang iinstall na program.

At lahat ng mga yan ay para maging mas madali ang komunikasyon sa mundong ginagalawan natin. Ang mga gadgets na noon ay nakikita lang natin sa mga movies eh nagiging reyalidad na. Galing talaga ng tao.

Ang walkman, naging IPOD.

Ang aparador cellphones naging Motorola RAZ

R V3.

Ang loveletter naging Ecard.

Ang black and white TV, naging flat screen HDTV.

Ang pamaypay naging aircon.

Ang organizer naging PDA.

Ang balot system, naging de-flush.

Ang pager, naging laos.

Pansin ko din na sa isang bahay, kung lahat may cellphone, magte-text na lang sila kung may gusto silang sabihin sa isa’t-isa.

Halimbawa:

Anak 1 – dumating ng late sa bahay.

BEEP BEEP!

Tatay (sa text) : Y u l8? U nt tel me wer uv gone.

Text. Text. Text ang anak 1. text text. Press send.

Anak 1 (sa text) : Sori dad.me went out w/ berks.🙂😛 =)

Halimbawa #2:

Kapatid 1 (sa text) : Andres, ei! Uv bn 2 my rum! %#^@%#^%&

Andres (sa text) : uha, y?

Kapatid 1 (sa text) : I 2ld u nvr 2 cum hr! &#^*&

At yan ay magkapatid na magkadikit lang ang kwarto.

Halimbawa #3:

Nanay (sa text) text text text text

Add recipients.

Check – tatay

Check – anak #1

Check – anak #2

Check – anak #3

Check – yaya

Send!

Nilalaman ng text : lets 8 na. cum 2 d kitchen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: