Mga Uri ng Nursing Student

3 Jul

Bago ang lahat, gusto ko lang i-relate ang salitang CLIQUE sa entry na ito.

Ito ang definition ng Wikipedia ng CLIQUE:

A clique (pronounced kleek) is an informal and restricted social group formed by a number of people who share common interests – formal social groups are referred to as societies or organizations. Cliques are most notably found amongst groups of teenagers, primarily in high school and colleges, but also in other similar environments, such as the workplace.

Gaya ng definition ng Wikipedia, isa siyang grupo na may mga miyembrong may parehong interes. Malamang, may katangian din silang pare-pareho.

Sa mga nursing students, maraming cliques. Itong mga ‘to ay ayon lang sa sarili kong pananaw.


No. 1 clique : Florence Nightingales

Ang clique na ito ay ang mga dedicated sa duty. Sila ang mga tipong 30 minutes before duty time eh andun na. Handang handang tumanggap ng endorsement. Bitbit nila ang mga small notebooks nila at lahat ng gagawin ay nakalista dito. Sila ang mga tipong halos hindi na nagbre-break. Ang mga Florence Nightingales ay mga paborito ng mga CI.

No.2 clique : FC’s

Mga Feeling Close. Ito ang mga tipong nursing student na unang day pa lang ng duty eh close na close na sa CI. Nakikipagkwentuhan, nakikipag-chika, nakiki-tsismis, at kung minsan nakikipag-besobeso pa. Sila ang mga tipong alam lahat ang plano ng CI sa grupo. At sa kanila din binibigay ng CI ang cellphone number nila.

No.3 clique: Pudhin

Short for pudpud hinlalaki. Ang mga miyembro ng grupong ito ang mga kitikiti-text. Walang ibang ginawa kundi mag-text. Maliban na lang kung andiyan na ang CI at doctor. Meron pa yung iba, nag-eendorse na ang staff nurse eh nagtetext pa rin. Sila ang mga tipong naka unlimited text kaya go na go sa pag-text. Kahit hindi tinitignan ang keypad eh maayos ang text nila. Ito ang mga nursing student na kahit na naglelecture ang CI eh kaya nilang mag-text. Nakatingin sa CI, kunwari nakikinig, pero yun pala nagtetext. Look Ma’am! I’m applying eye and hand coordination. Kahit break nagtetext.

No.4 clique: Walking NANDAs

Ito ang mga nursing student na dapat kasama mo pag gumagawa ng NCP. Kahit anong nursing diagnosis eh alam nila. Pati ang related factors, objectives, outcomes, evaluation ng isang nursing diagnosis. Sila nga ang mga nursing student na hindi nahihirapang gumawa ng NCP at tutulungan ka pa kung minsang gumawa.

Halimbawa:

Estudyante 1 : Patulong naman dito. May pneumonia kasi ang pasyente ko. Ano bang pwedeng nursing diagnosis dito?

After 1 second…

Walking NANDA: Ah, madali lang yan. Ineffective airway clearance related to secretions.

No.5 clique: Da Vinci’s

Hindi. Hindi sila mga expert sa libro o sa movie o sa mga teorya ni Robert Langdon. Ang mga Da Vinci ay mga intregera at intregero na mga nursing student. Up to date sila sa mga tsismis ukol sa mga staff nurse, groupmates at teachers sa school. Sila rin ang mga unang nakakaalam kung kelan walang pasok, kung kelan may quiz, kung ano ang lumabas sa exam at quiz ng ibang section. Sila ang mga nagkakalat ng medical history ng pasyente nila kahit na alam nilang mali ito.

Halimbawa:

Da Vinci 1: Uy! Alam mo ba yung pasyente ko may STD.

Da Vinci 2: Aaay! Yakz! Dali sabihin natin sa grupo!

No.6 clique: Suction Machines

Mga nursing student na sobra ang pagpapasipsip sa CI. Minsan kagrupo din nila ang mga FC’s. Sila ang nagdadala lage ng meryenda para sa CI. Kung may papagawa ang CI gaya ng skin test, at walang nagvovolunteer, sila ang umaangkin ng responsibilidad. Siya din ang sumbungero o sumbungera sa grupo.

Halimbawa:

Suction Machine: Ma’am! Si She po late na naman. At butas ulit ang stockings!

CI: Naku She! Sabi ko sayo bumili ka na ng bagong stockings! Nung panahon pa yata yan ni kopong-kopong eh! At bakit ka na naman late ha!

She: Ma’am kasi baha po sa lugar namin!

Suction Machine: Hindi kadi Ma’am.

No.7 clique: Hitlers

Nope. Wala silang balbas gaya ni Hitler. Ito ang mga nursing student na walang kamatayang nag-uutos ng kapwa kagrupo. Ang mga kamay nila ay naka-astang ala Hitler. Nakaturo. Kung minsan, sila ang mga nagiging leader dahil sila ang nakaka-enganyo sa mga kagrupo para hindi makatulog sa duty lalo na pag graveyard shift. Sila rin ang nagpapagalaw sa grupo. Sila ang nagdi-divide ng work.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: