First Day High

22 Jun

Ngayon ang start ng regular classes namin. Dapat last week pero, dineklara ko ngayon dahil ngayon lang ako pumasok.😛

As usual, masikip pa rin sa classroom, walang aircon, at pawisin pa rin ako. Mahirap talaga dito sa Manila, kaliligo ko pa lang, pawis na ako. Nakakamiss tuloy sa Baguio.

Ano ba ang bago ngayon… Ah, 100 plus kami sa classroom namin. Kulang ang space siyempre. May quiz kaagad. Pinabasa ang buong Chapter 2 sa loob ng 30 minuto then shoot na! Quiz na!

24/45 ako.
Bagsak.
75% daw ng 45 ang pasado.

Siyempre, nakakita na naman ako ng mga nagbebeso-beso na parang sampung taon na silang di nagkikita.

“AAAAAYYYYY kumusta na friendship… Miss kita friendship… Ano, pumayat ka na ba? May asawa ka na ba…,” sabi ng isa kong classmate sa isa ko pang classmate na kapwa naghahawakan na excited na excited.

Hindi ko mawari kung san sila nae-excite. Baka naiihi lang sila.

Ako, walang bumeso sa akin. Una, dahil hindi ko kelangan ang beso-beso para mabati ng classmate. Pangalawa, hindi ko ritwal yun. Okay na sa akin ang hello, kumusta, enya ngay (ilokano). Siguro nadidiri lang sila sa mukha ko kaya hindi ako binebeso-beso. Masyado kasing magrasa.

So, as usual, nasa likod pa rin ako ng classroom ko. Kinapalan ko na lang ng mukhang humiram ng libro sa di ko kilalang classmate. Buti pinahiram ako. Effective talaga ang mga Colgate (ubo) smiles.

Meron din kaming classmate na taga-China. Ako ang nag-check ng paper niya. Kaya pala nung tinanong niya ako kung ilan ang nakuha niya, umingles siya. Kala ko naman kaartehan na naman. George ang name niya. Siyempre, tumahimik na lang ako. Baka makaranas pa siya ng bagsik ng Ingles ko. Ubo! Ubo! Joke lang.

Lesson namin, tungkol sa Profession. Tinanong ng teacher namin kung ang pagiging prostitute daw ba ay isang profession. Maraming kuro-kuro. Maraming debate.

Ako? Tahimik lang.

Pero sa loob ng isip ko, naglalaro na ang mga ideya at theory ko ukol sa tinapong question sa amin.

Siyempre, may mga nagdebateng classmate ko. Terrific english. Meron din namang walang kwenta ang sinasabi. Tahimik lang ang professor namin. Ako, tumatalon na ang puso. Gusto ko naman mag-recite. Pero nauna ang kabog ng dibdib ko kaya di ko nakayanang mag-recite.

Andaming paulit-ulit na sinasabi ng mga nagdedebatehan. Maraming hiyaw at palakpak.

Ako? Tahimik lang. No comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: