Ang Pag-Giling ng Sayote Queen

6 Jun


Yan ang natanggap kong text kaninang umaga.

Sus marya, ginoo! Balat ng saging!

Ewankoba. Nung dumating ako dito sa Manila, biglang nag-boom ang dancing career ko (kung meron man).

Una, sa duty namin sa isang mental institution. Napasubo ako dun. Dahil pag hindi ako sasayaw na kasama ang dance troupe ng grupo, ang ilalagay sa tabi ng pangalan ko bilang “task performed” eh : SHE consumed KAKANIN. Sigurado ako, 5 ang grade dun. Kaya, no choice. Sinayawan ko ang mga pasyente.

Let’s Get It Started ng Black Eyed Peas ang sinayawan naming tugtog.

Todo ang ensayo namin nun.

Let’s get it starteeedd.. 1 and 2

Let’s get it started in here… 1,2 and 3.. hatak… down.. up.. hatak

and slide…

and slide…

She! Hindi ganyaaaaaan!

Nahirapan ako sa steps. Pano ba naman. Paslide-slide pa. Kulang na lang kumuha ako ng mop at gumawa ng isang commercial ng isang floorwax.

Napagtanto ko… Mahirap palang maging dancer pag ulyanin. Hindi mo alam ang sequence ng sayaw.

Okay naman ang kinalabasan ng performance (kunu) namin. Pumalakpak naman sila. Ang C.I namin nakasimangot. Ewanko kung galit siya sa amin dahil hindi maganda ang program namin o dahil nakita lang ako na andaming mali sa sayaw.

Gusto kong lumubog sa lupa nun. Pero alang-alang sa tres na grade. Nilunok ko lahat.😛 (Parang kanta yun ah)

Naisip ko tuloy nung bata pa ako. Kinakarir ko talaga ang pag-sayaw. Kung may latest dance moves, talagang ginagaya ko. Tuwang-tuwa naman ang tatay ko at vini-video daw ako. At ako, todo naman daw mga moves. Ipinagdadasal ko lang na binaon na ng tatay ko ang mga betamax tapes na naglalaman ng mga dancing videos ko.

Nung mauso ang ICE ICE BABY. Ito na ang pinaka golden age ng dancing career ko. Amateur lang ha. Hindi ko makalimutan yung running man. Hanggang ngayon. Pati yung mga moves ni MC Hammer at mga sayaw ng New Kids on the Block.

Pag may fiesta sa simbahan namin, imbes na kumanta na lang kaming magpipinsan o magkakapitbahay ng mga gospel songs, binubulabog namin ng ICE ICE BABY. Siguro, dahil naaawa ang pare sa amin, eh hinayaan na lang kaming sumayaw. Halos mag-collapse ang stage sa tindi ng mga yapak namin.

Ice, Ice Baby! Den- den- denen-den-den-den-den.

Nung highschool. Iba naman ang kinarir ko. Hindi sayaw. Kinarir ko ang pag-aaral at pagbabasa. Kaya wala akong kwento sa high school. Siguro sa kubeta lang ako sumasayaw nun.

Nung college (ay mali, college pa rin ako)… Nung early college years ko, na-revive ang mga dancing shoes ko. May mga padisco-disco pag nagumpisa na ang sembreak. May mga birthday sa barkada. At may mga sayaw pa rin sa banyo. Ang mga nasasayawan pa nun eh Horny, Family Affair ni Mary J. Blige at yung paborito ko nun, Let Me Blow Your Mind. Kahit anong moves nagagawa ko. Dahil pag disco, giling lang ng bewang sayaw na.

Pole dancing. Hindi ko pa yan nasubukan. At hindi ko naman siguro yan masusubukan. Kung darating man ang panahon ng magpo-pole dancing ako eh dahil umaakyat ako ng kawayan sa Palo Sebo o isang puno ng buko pag nastranded ako sa isang isla sa Batanes.

Hindi ko rin nasubukan ang makisayaw sa fiesta. Hindi ko pa nasubukang maglakbay ng ilang kilometro para lang makisayaw sa isang lalake. Pero tingin ko masaya yun. Pag dating ko dun, amoy pawis na ako. Wala ng mag-aanyaya. Ayos! Kakain na lang ako ng balot.

Nagbalot na nga lang ako, kabilang baryo pa. Ayos talaga ang trip ko.

Ang ibang mga babae naman, pinag-aagawan. Lahat gusto silang isayaw. Siyempre sila yung mga magaganda at sexy. Ako, wala pa ako sa pwet ng mga yun.

Ang mga babaeng ito, halos buong munisipalidad eh nakasayaw na. Buong police station, firestation, mga employees ng munisipyo at pati ang Mayor eh naisayaw siya. Pati ang mga nagtitinda sa sari-sari store.

Siguro, mas bagay ko ang maging fire-breather, o clown, o impersonator sa fiesta. Pwede rin ako sa pagkolekta ng taya sa peryahan.

**

So ngayon, inaanyayahan akong sumayaw.

Sa tugtog na Y Not daw.

Anak ng kalabasa. Okay lang sana kung sa mental ulit. At least dun, sigurado ako papalakpakan ako. Eh pag sa seminar, hindi lang ako magmumukhang Madam Auring kasama ang mga ibang sasayaw, magmumukha pa akong clown.

Kaya ang sagot ko – HINDI! Hinding hindi ako sasayaw sa seminar.

Kung ICE ICE BABY naman ang sayaw…

Hmm… Pag-iisipan ko…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: