Archive Page 2

Malamang may mga nagtaka kung bakit ang tagal kong hindi nag-post. Siguro dahil busy ako, o di kaya, nag-set in na ang tamad-akong-mag-blog syndrome. Pero 60% busy talaga ako. Katatapos lang ng comprehensive exams sa school at nakapasa ako (woohoo!) – graduate na ako talagang talaga (woohooo again). Tapos everyday naman – review for the qualifying exams. Exams na magqua-qualify sa aming kumuha ng board exams. Pero hindi ako pumapasok, dahil nakakatamad and I prefer to study by myself. At isa pa, mukhang malabong kukuha ako ng board this December. Alam niyo naman siguro kung bakit – yang dahil sa leakage na yan, parang isang circus na ang board exam, and dare I say, nursing.

Nakaka-dismaya ang inabot ng leakage nung June 2006 board exams. Nabalitaan ko na inutos na ng Presidente ang pagre-take ng mga nagboard nung June. Hindi ko alam kung pano ako magre-react dito. Dahil yung mga kakilala ko, nakapasa nung June.

Enough about that. Let’s talk about the Sayote. (naks)

Malapit na birthday ko. Bukas na. Hehehe. Uuwi sana ako sa Baguio kaso nagbabanta ang bagyong Milenyo at hindi ko pa napapirma ang lintik na clearance na yan. Pano ba naman, ang haba ng pila sa accounting, kulang na lang matulog ako dun para lang mauna sa pila kinabukasan. Pero konting pasensya na lang siguro… Tapos napagalitan pa ako kasi ngayon lang ako nagpapa-pirma ng clearance. Sabi ng teacher ko:

Bakit ngayon ka lang nagpapa-clearance ha. Sabunutan kita diyan eh.

Ayos ang pagkaprofessional ng teacher ko. Humingi ako ng tawad at sinabing:

Ma’am dahil ngayon lang po binigay yung grade ko sa duty.

Wa siya ma-say. Di ko naman kasalanan kung matagal magbigay ng grade ang C.I. di ba. Sabunutan mo ako at… sasabunutan din kita. Hindi joke lang.

Meron na rin gift si nanay. Financial gift. Enough to buy me a new pair of socks. Sabi ko kay nanay, sana hindi na siya nag-abala hehehe. Pero ok lang, it’s the thought that counts. Ay napaka-cliche naman niyan.

Malapit na rin ang graduation. October 15. Sabi ng mga classmate ko, maghanap na daw kami ng peerrrfffeecccttt graduation dress. Go na go naman ang sayote. Pero may kasya ba? Ang great advise ng nanay ko: magpatahi ka na lang. Ayos. Parang gusto pang pumunta ako kay Sotto. Pero siguro meron naman sa SM department store ng kahit top at skirt na kasya sa akin. Hindi ko talaga na-achieve ang goal kong magiging kasing payat ako ni Paris Hilton by the end ng September. Lakas ko pa rin kasing lumamon. Tsk tsk tsk. Nakakagutom kasing mag-review. Naks, mga palusot.

Ano kaya hihingiin kong graduation gift? Hm… Esep esep. Sana hindi na naman medyas.

Siyangapala, salamat sa mga nagko-komento kahit na nagkulang ako sa update. :)


“Anak, walang pangit sa mundo. Lahat ng ginawa ng Diyos, maganda. Ikaw anak, maganda ka…”

Yan ang sinabi ng nanay ko sa akin nung bata ako. Tinanong ko kasi siya nun kung bakit ang gaganda ng artista at hindi ko sila kamukha. Dun ko rin napatunayan na ang Nanay eh pwede ring magsinungaling sa anak.

“Ano ka ba Ate She, walang pangit okeeeey!”

Yan din ang sabi ng classmate ko nung early college days ko. Malakas lang siguro ang loob niya dahil ubod siya ng kagandahan at ka-seksihan. Pano kaya kung siya ako. Masasabi niya pa kaya yun? O magrereklamo siya gaya ko?

Nung isang linggo, napanood ko sa Bubble Gang kung bakit lamang ang mga pangit sa mundo kung ikukumpara sa mga gwapo/ maganda.

Hindi ko na matandaan lahat ng mga advantages pero heto ang mga naaalala ko.

1. Hindi ka magagahasa.

Sa sobrang panget daw ng isang tao, imbes na gagahasahin ka, magdadalawang isip pa yung tao. Kahit na ubod na lasing na yung lalake, hindi ka daw niya gagalawin.

2. Hindi ka mahoholdap.

Dahil pangit ka daw, wala daw sa mukha mo na makakabili ng mga mamamahaling damit, cellphone o mga gadgets.

3. Walang mai-insecure sayo.

Sa napanood ko sa Bubble Gang, tila magiging sagana ka daw sa mga regalo mula sa office mates mo pag panget ka. Dahil alam nilang hindi mo sila malalamangan compared sa mga kapwa nila magaganda at gwapo.

**

Siyempre, katuwaan lang ang palabas na yun ng Bubble Gang. Pero sa totoong buhay, MAS MARAMING disadvantage ang pagiging panget. Heto ang mga napansin ko magmula nung namumuhay ako sa planeta Earth.

Paalala: Hindi ako nanglalait dito. Gusto ko lang maparating sa iba ang DISADVANTAGE ng hindi napanganak na gwapo o maganda. Tulad ko. Dahil lahat ng ito, na-experience ko na.

1. May classmate ako nung elementary noon, tawagin na lang natin siyang Mila. Tahimik lang si Mila at walang kaibigan. Madalas siyang pintasan at tawanan ng mga classmate ko. Ako, wala akong involvement diyan. Good girl yata to (Yun na lang ang pwede kong ipagmalaki siguro). Kahit hindi ko nakita si Mila na umiyak nun, alam ko, sa loob-loob niya, galit siya at nasasaktan. Minsan, talagang ako ang lumapit dahil na rin sa awa. Buong recess na yun, sinamahan ko lang siya. Hinati ko ang cupcake ko na binili sa bakery ng Nanay ko at binigay ko sa kanya. Maraming beses ko pa siya sinamahan ng recess, pero NEVER… as in NEVER nagsalita si Mila sa akin.

Until, naging classmate ko ang kapatid niya nung high school. Na-delay ako kasi nag-aral ako sa ibang bansa nun. Nagkita kami ni Mila nung sinundo niya ang kapatid niya sa isang okasyon sa school. Niyakap niya ako at umiyak, sabay sabi, She, thank you talaga. Ikaw lang ang kaibigan ko nung elementary.

Hindi drama yan o kayabangan ha. Totoo yan. Ang sa akin lang, hindi kelangang tratuhin ng masama ang mga di kagandahan o kagwapuhan.

Napagtanto ko, pag panget ka, parang ikaw na lang napapansin ng tao. Andami nilang nasasabi sa itsura mo, sa suot mung damit, sa gamit mong cologne…

2. Pag hindi maganda ang appearance mo, halos hindi ka asikasuhin sa mga government agency, sa mga bangko, sa mga mall, department store… Para kang invisible.

From first hand experience ito. Minsan, nung bibili ako ng cellphone sa Glorietta, halos hindi ako pansinin ng mga sales girl. Siguro dahil naka jeans ako, naka tsinelas at naka blouse. Feeling siguro nila, pickpocket ako.

3. Ayaw kang tigilan ng taxi o hindi ka pasasakayin.

Experience ko na naman yan. Ang talagang hinihintuan eh mga seksi at maganda.

4. Hindi ka popular sa klase. (Unless ubod ka ng talino at may cool na talent ka)

5. Kadalasan, hindi ka seseryosohin ng tao.

6. Konti lang ang magdadalawang isip para ligawan ka. Lalo na pag tahimik ka. At hindi masyadong lumalabas.

7. Maraming nasasabi ang iba tungkol sa ugali mo. Sa pananamit mo.

Halimbawa: “Ang panget mo na nga, jologs ka pa” – nangyari yan nung high school. Pero nung nalaman nila na nakakasolve ako ng problems sa calculus, kinaibigan ako. (basahin din itong post na to)

8. Hindi ka pwedeng maki-pagkaibigan sa mga magaganda at popular sa school. Unang tingin pa lang sayo, outcast ka na.

9. Mabibilang ang mga lalakeng makikipag-flirt sayo.

10. Madalas kang husgahan dahil sa itsura mo. Hindi ugali mo.

**
Tingin ko, masyado nang napagtuunan ng pansin ang itsura ng isang tao ngayon. Napaka-idealistic na masyado ang pagsabi na lahat eh maganda o gwapo. Parang wala ng ganung pag-iisip ngayon.

Maaaring sumangayon ka sa mga sinabi ko dito o hindi. Pero pinapaalala ko na mga experience ko ito.

Ang maipagmamalaki ko lang eh, hindi ako mapang-husga ng tao. Mas gusto ko pang magkaroon ng kaibigang hindi kagandahan o kapogihan pero okey sa ugali, kesa naman sa babaeng maganda, sexy at maputi na biii—aaattt—-cccchhhh!

NUF SAID!


Related Post: ISYU NUMBER ONE

**

Sitwasyon:
Kasama mo ang boyfriend/girlfriend mo isang gabi. Naglalakad na kayong pauwi papunta sa bahay niyo. Bigla kayong nag-away tungkol sa isang bagay. Nagsabatan kayo, kulang na lang magsampalan kayo sa inis sa isa’t-isa. Nagsisigawan kayo, nag-iirapan. Naglalakad kayo sa overpass, at nagpasya kang mag-walk out na lang sa inis! Paano pag, bumabababa ka ng hagdan ng overpass nang bigla kang nadulas at nag-slide hanggang sa baba? Paglapag mo sa baba ng hagdan, naka-upo ka dun at nakatunganga. Nag-iisip ko ano ang gagawin dahil nakita ka ni fafa/mama…

Naku, napakamalas mo naman… Kung kelan ka pa nagdrama na pang FAMAS, dun ko pa nagka-blooper. Para kang si Jackie Chan na gumagawa ng pelikula at sa huli, pinapakita lahat ng kaniyang mga stunts-gone-wrong.

Pero, huwag mag-alala, heto ang mga pwedeng gawin upang ikaw ay di mapahiya lalo.

Tip #1:
Tumayo, pagpagin ang dumi sa damit, itaas ang noo, at mag-lakad sabay sigaw MABUHAY! Siguraduhing stomach in, chest out, chin up na parang kadete ng PMA. Mag-lakad na gaya ng isang beauty queen o model. Pwede ring ayusin ang buhok na parang nasa isang shampoo commercial bago umalis para with poise.

Note: Hindi ‘to pwedeng gawin kung napilayan ka dahil mas lalo mo pang pinalala ang pilay mo. Kung durog na sa lagay na yun ang mga buto mo, mas lalo pang madudurog (napag-aralan ko yan sa nursing – kaya I need to apply it)

Tip #2:
Tumayo bigla at tumakbo papuntang bahay. Dapat pag ginawa mo to, daig mo pa si Lydia de Vega sa pag-takbo o dapat ma-break ang SEA Games record.

Run Sayoteeeeeee Runn…..

Alalahanin na kaya ka tumakbo eh para matakasan ang BF/GF. Kaya dapat gawin ito sa mabilisang paraan. Nararapat lang na tumakbo na para kang hinahabol ng mga asong may rabies. Walang lingon. Tuloy tuloy. Kung may hurdles, talunin na parang athlete. Maaaring mag-high jump kung may mga iba pang balakid. Pagdating sa pintuan ng bahay, huwag pa rin tumigil. Tumakbo pa rin hanggang makarating sa kwarto. At mag-high jump sa kama. Huwag ng tangkahing magbihis. Magkumot ng dalawa o tatlo hanggang ulo. Ganun ka na lang hanggang magising kinabukasan.

Tip #3:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama, at sabihing, “O ha! Kaya mo yun”

Note: Huwag maghintay ng sagot.

Tip #4:
Tumayo at lumingon kay fafa/mama. Hintayin ang reaksyon. Kung tatawa, umiyak ka gaya ni Sugar sa Eat Bulaga. Kung bababa siya, at dadamayan ka, mag-bati na kayo. Huwag mo ng tangkahing awayin siya ever again!

Note: Mainam gawin ito pag-napilayan ka o masakit ang pwet mo sa pagbagsak. Kelangan mo ang mga haplos at hilot ni fafa/mama.

Tip #5:
Imbes na tumayo, lumuhod, at tumingin sa langit. Sabay sigaw, Diyos Ko! Bakit ako! (singhot, singhot) Bakit ngayon pa, o Diyos ko!


Hintayin ang pekeng ulan na dumating sayo. Ang pekeng ulan ay pwedeng manggaling sa isang hose o tubo o sprinkler. Pwede ring maghintay ng isang ulap na tatapat lang sa ulo mo at biglang uulan. Sayo lang ang ulan na to. Kaya kahit san ka pumunta, nakalutang ang ulap na ito… inuulanan ka.

Mag-drama sa baba ng hagdan hanggang panoorin ka ng ibang tao. Kung mas dumami ang tao, dapat mas lalo mo pa galingan ang pag-arte.

Tip #6:
Piliting lumuha. Kung may dala kang sibuyas, kelangan mo ng gamitin ngayon. Balatan ang sibuyas at amuyin. Siguraduhing hindi makikita ni fafa/ mama ang hawak mong sibuyas. Piliting suminghot kahit hindi nasisinghot. Mag-mukhang kawawa gaya ni Puss in Boots sa Shrek Part 2. Gawin ito para damayan ka ni fafa/mama.

Tip #7:
Tumayo sa hagdan at bumalik kay fafa/mama sabay sabihing, “Ikaw kasi eh honey/ bhe/ sweety pie/ lavs/ sweetheart/ cookie/ cupcake/ cheesecake/ ube cake/ yema cake/ red ribbon cake… Bati na tayo ha?” Sabay beautiful eyes sa kanya.

Tip #8:
(Para lang sa babae)
Tumayo, lumingon kay fafa, at flash him this killer look para mawala ang isip niya sa nangyare:


Makaka-asa kang magdadasal yun lagi na madulas ka sa hagdan.

Tip #9:
Magdasal ng mataimtim na dumating si David Blaine upang i-magic ka hanggang Mars.


Abra!Kadabra! Ika’y pupunta na ng ibang planeta!

**
Read ISYU #1

SAYOTE CLASSICS:

Pagbibigay ng Payo
Balahibong Pusa
Seksi… Not Sayote Queen
Chitae
Ebolusyon ng Saplot ng Lalake

SHOUT OUTS

Thank you to all those who left their comments and messages :) Hope everyone had their share of pasalubong from Baguio :)


Manliligaw 101

25Ago06


Kahit na ganito lang naman ang pagmumukha ng lola niyo, may mga nanligaw naman na sa akin. Siguro may X-factor (which is, not being beautiful according to world standards) ako. Pero syempre, hindi naman talaga basehan ang itsura pag nasa isang seryosong, real love, ultimate love, unconditional love- kind of relationship na tayo. Sabi ko nga sa isang post ko, hindi importante ang itsura sa akin. Kahit na siguro pinakapanget na siya sa mundo, mamahalin ko pa rin siya. Totoo!

Pero actually hindi yun ang punto ko ngayon.

Nung galing ako sa Baguio, tinanong ko kung may nanliligaw na sa bunso namin. Sabi ko, ipakita niya at tatadtarin ko ng bala. Siyempre, dyok dyok lang yun. At wala akong balak gawin yun. Siyempre, bilang isang good (and devilish) sister, pinagsabihan ko ang kapatid ko tungkol sa mga lalake at kung sakali mang may manliligaw. Kanya-kanyang istayl naman sa mga lalake di ba, sariling diskarte…

Nung dalaga kasi ako… Teka, dalaga pa naman ako ah! May variety rin ang mga nanligaw sa akin. [Teka, MGA? - May MGA nanligaw sayo SQ??!??!?!]

Heto na ang part 1 ng MANLILIGAW 101:


May mga lalakeng humihingi muna ng pahintulot bago ka ligawan. Eto na siguro ang pinaka- ayaw ko sa mga lalake! Kung gusto mong manligaw, eh di manligaw ka! Di ba girls? Hindi naman kaming mga girls ang lalapit sayo noh! At isa pa, kelangan ba ng waiver para manligaw?

[Insert Date]

Dear Ma’am (babae),

In lieu of this year’s theme of “Me no GF but want to have one now”, I am asking your permission to court you. The said theme for this year comes after realization of my individual need for love and affection. And I therefore conclude…. blah blah blah… Hoping for your kind consideration… Blah blah blah

Please check on the appropriate box.

__Yes, I’ll allow you to court me
___NO, I refuse because, ______________ (please insert reason)

Respectfully yours,
[insert name of manliligaw]

Que barbaridad! Waiver na kung waiver!

Sa opinyon ko, since ikaw yung lalake, go ka na lang. Huwag ka ng humingi ng permiso mula sa babae. Hindi mo na kelangan ng waiver gaya ng nasa itaas. Kasi, sa mundo natin ngayon, kung saan laganap at (kung minsan) hindi maiiwasang double standards, mga lalake talaga ang may karapatang manligaw. Kahit na siguro may mga ibang babae na rin ang tumahak sa landas ng panliligaw sa opposite sex, may mas karapatan ang lalakeng mag-initiate ng panliligaw. Anyway, opinyon ko lang yun.

Meron namang manliligaw na walking-bangko. Hindi ako impressed sa mga ganito kung minsan. Dahil kung minsan, ang ERE. As in typhoon signal number 3 or 4. Meron din naman mga humble at mabait, pero karamihan eh, puro ere lang talaga. Pero ok lang kung may ganitong manliligaw sayo di ba. Libre ang breakfast, lunch, dinner, midnight snack, snacks, isaw, barbecue, balot, tok neneng, betamax, adidas, reebok, and1, nike (ngek).

Mga kadete. Maniwala man kayo o hindi, may nagkamaling kadeteng niligawan ako. Una, okey siya. Pero sa huli, MANLOLOKO PALA – TWO TIMER!!! Tinawagan ako ng GF niya sa PROBINSIYA. Siyempre, hindi ko alam na may GF na pala ang kadeteng yon. Kaya gulat ako nung tumawag ang babae sa akin ng 12am (Naalala ko yun VIVIDLY kasi 3210 yung CP ko nun, tapos ang ringing tone ko nun eh yung The Adams Family -Teret-teret, Teret-Teret….) Heto ang naging conversation namin:

GF ng kadete : Yes, is this [real name ko]?

SQ : (Inaantok) Uhm… opo, sino po to?

GF ng kadete: Do yah know Pangga?

SQ : (Inaantok pa rin) Uhm… opo, sino po to? Pwedeng bukas na lang kayo tumawag kasi pagod na pagod na po ako?

GF ng kadete: How rude! Can you please stop seducing my boyfriend coz he’s mine. You’re ugly! I saw your picture in his wallet. Do you know who I look like? I look like Kristine Hermosa ok so deal with it!!!!!

(Totoo yan – inglisera ang kausap ko. At isa pa, kamukha ni Kristine Hermosa. kinwento ko na ito sa mga kaibigan ko. At naalala ko pa yung araw na yun, February 12. 2 days before valentines. Valentines ko sana sasagutin ang kadeteng nanligaw sa akin ng dalawang taon. Pero biglang na-heart broken ang sayote)

SQ: Ganun ho ba?

GF ng kadete: And do you know my Dad is a general?

SQ: (tahimik)

GF ng kadete: So, you better stay away from him! Or else I’ll let my father shoot you!!!!

SQ: (tahimik at napapaluha)

Nung mga oras na yun, talagang tahimik lang ako. Tumutulo ang luha ng sayote. Para akong nabunot sa sanga ng sayote plant kahit na musmos pa lang at hindi pa ako ripe (naku drama etich). Hindi naman kasi ako yung mga tipong lumalaban eh. Sa totoo lang, madalang ako magalit. At sa sitwasyon na yun, hindi ko kayang pumatol sa mga ganung komprontasyon.

Pero kung siguro pala-away ako nun, ito lang masasabi ko sa kanya:
So what if kamukha mo si K. Hermosa! Kamukha ko NANAY AT TATAY ko nuh! At isa pa, hindi ko sine-seduce ang BF mo nuh! Siya ang nagpakilala at nanligaw sa akin ng 2 years kaya DEAL WITH IT din!

Kaya heto lang ang advise ko sa mga nililigawan, dapat, dapat, dapat, kilalanin muna ang manliligaw (SQ – sinapak ang sarili. Sira! Dapat ikaw din noh kinikilala mo muna!). Itutuloy ko ang kwento namin ni PANGGA sa susunod na mga entry ko sa blog na ito.

May mga manliligaw namang masyadong relihiyoso. Wala namang problema pag ganon di ba. Pero may naging manliligaw ako na, wala nang ibang sinasabi pag tinatawagan ako kundi,

“Always pray to God ha! Did you bring your rosary with you? Say the rosary later ha and make sure Santo Nino is with you beside your bed.”

Everyday yun, every tawag.

Pero alam niyo, lagi siyang tumitingin sa boobs ng babae. Totoo nuh.

–end PART 1–


Time flies so fast. Before we know it, we are heading to another month. My month… September. Why my month? Coz soon, I will turn (gulp!) 25 years old. Anyway, enough about my age…

Since I’m this blog’s owner, I feel obliged to actually write before this month ends. Let me give a big sayote apir to those who left their comments especially on the last entry, the second issue of The Paano Pag chronicles. FYI, I have not experienced this and I hope it won’t happen to me. The Paano Pag Chronicles issues are just events I suddenly think of and decide to write about. Yes people, when I think of something to write about, I have to let it out of my system. Hey, never miss a creative thought as they say.

August for me had its share of both ups and downs. The usual funny events, adventures and misadventures. You get the picture.

Let me just start by relating an incident which just happened yesterday. The taxi I was riding on my way to Cubao Victory terminal had a flat tire. We were about 50 meters away from the terminal. (Yes,I’m in Baguio right now)

Not a weird revelation?

Well, how about if I told you that this happened to me 3 times this month! Same situation. A few meters away from my destination, the taxis I rode on had a flat tire. Yes people, three times. Whenever I ride a taxi, LIKE MAGIC, it will have a flat tire.

Must be me being overweight (???)

Not only that, just this Wednesday, I rode a taxi from SM North. This taxi was running on LPG. Not the usual gasoline. Then the LPG’s warning light came on – that is, the LPG is running empty. The driver cursed under his breath. I did the same.

I don’t know why this is happening to me. Suddenly, the world decides to go against me through taxi rides. How unlucky am I, ei?

If anyone knows what this means, please contact me. Either I’m getting unlucky with taxis, or more and more drivers neglect their duty to have their taxis checked.

**

So much for that…

This month, Arjud and Nagarjud died.

Who the hell are Arjud and Nagarjud?

These are (were) my 2 goldfish (goldfishes). Yes, they have names. Where I got the names, you’d just have to ask me.

I didn’t cry of course. I just felt bad. They were, after all my companions in Manila. I do talk to them whenever I get the chance. Especially when Sayote King and I have our everyday LQ’s (lover’s quarrel). They’re good listeners I must say.

And just because I overfed them, they gave up on me. I didn’t do it in purpose of course. I was thinking that if I’ll give them more, they would be happier. Bad idea. [SQ: my bad! my bad!)

So now, I’m a goldfish murderer.

Lesson? That too little or too much is bad.

Arjud and Nagarjud are now burried in the apartment’s septic tank. I flushed them down my toilet bowl. Sorry, I don’t know of any goldfish memorial parks.

**

Speaking of memorial parks, one of my titos actually announced his birthday gift to my tita: a LOT in one of the memorial parks in La Union. This lot was supposed to show his wife that he cared for her and thought of her future (when she dies).

I didn’t know what my tita thought of the gift. For me, I’d rather not say. Nothing wrong naman siguro. I was thinking of a more traditional gift. Like a necklace or something.

**

Sumweldo na ako sa paluwagan. Kaya bibili ako ng pasalubong sa mga kasama ko sa paluwagan. Hmm… is that right? Parang binalik ko lang ah.

**

THANK YOU TO ALL THOSE WHO LEFT THEIR COMMENTS! I APPRECIATE IT A LOT. I HOPE YOU ALL COME BACK SOON. KISSES FROM BAGUIO CITY, PHILIPPINES! MABUHAY!

**

HAPPY BIRTHDAY BAGUIO CITY! (September 1)

**

ANOTHER ROUND OF PASALUBONGS when I get back to Manila :)